Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Duterte naniguro sa San Juan?

SA KAINITAN ng kampanya para sa national at local elections, lumabas sa social media ang larawan na itinataas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni former San Juan vice mayor Francis Zamora sa isang okasyon sa Biñan, Laguna.

Pero ang incumbent vice mayor na si Janelle Ejercito Estrada ay nag-post din ng katulad na larawan sa kanyang facebook account na may caption na: “ “Thank you so much President Duterte for the honor and trust you have given [me].”

E kung makikita ito ng mga taga-San Juan, at tiyak na nakita nila, iisipin nilang, naniniguro ang mga Duterte. 

Si Zamora ay nasa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan party, habang si Estrada, ay pormal namang sinuportahan ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Pero sabi nga ni Francis Z., siya ang kapartido kaya siya ang opisyal an kandidato ng Pangulo.

“I know that I am the official candidate. I have no insecurities about it. It is as clear as the sun that it is me.”

Ganyan kakompiyansa si former VM Francis.

Pero ayon naman sa kampo ni Estrada, naniniwala sila, nang itaas ng Pangulo ang kamay ng babaeng kandidato ay nangangahulugan ito, na siya ang official na inendoso?

 “President Duterte raised the hand of [Estrada] of his own volition, Maybe he realized that she was worthier of his endorsement because of her determination to fight drug addiction and reform drug victims,” pahayag ng kampo ni Estrada.

Kaya gusto nating tanungin, sino ba talaga ang suportado ni panguong Duterte?!

Zamora o Estrada para sa San Juan?!

Naglalaro ba ang Pangulo sa pagitan ng dalawang angkan?!             

O gusto niyang maniguro na mananatili ang nakuha niyang boto noong 2016 sa lungsod ng San Juan?!

Pero ayon sa ilang mga tambay sa ‘grapevine’ mayroon talagang napupusuang suporatahan ang Pangulo pero, ‘naglaro’ si Ate Sara kaya…‘yun na!

Abangan na lang natin sa 13 Mayo 2019, mga suki!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …