Monday , November 25 2024

Ken, nabahala kay Boyet

NABABAHALA si Ken Chan tungkol sa mga gumagawa ng memes at ginagawang katatawanan si Boyet sa social media.

Si Boyet ang karakter na ginagampanan ni Ken sa My Special Tatay ng GMA na may Mild Autism Spectrum Disorder.

You know what, nakatutuwa, masaya sa  pakiramdam na naa-appreciate ka ng mga tao. Ang dami, eh.

“Halos everyday sabog ‘yung social media ko dahil kaka-tag sa akin ng mga memes.

“Pero at the same time mas malaki ‘yung nakaka… hindi ko alam kung tama ‘yung word na disappoint, nakaka-disappoint.

“Pero hindi eh, mas parang… nakakabahala para sa mga taong may kondisyon tulad ng kay Boyet kasi baka maapakan namin sila.

“Eh walang control ang GMA, ang social media roon.

“Mga tao na mismo ‘to, wala na kaming control doon so, nakakabahala po.

“Na baka maapektuhan in a negative way ‘yung mga taong may kondisyon tulad ng kay Boyetespecially ‘yung mga nanay at magulang.

“Pero kasi, eto nga po ‘yun eh, ang mga tao kasi, ang karamihan, hindi nila kasi naiisip kaagad na baka makaapak sila.

“Basta nag-e-enjoy sila sa ginagawa nila.

“Hindi natin sila masisisi, ‘yung mga taong gumagawa ng memes, dahil sarado pa ‘yung isip nila o kulang pa ‘yung pag-iisip nila, kulang pa ‘yung knowledge nila pagdating sa mga ganitong kasensitibong bagay.

“Unlike ‘yung mga magulang na may anak na tulad ni Boyet, may autism, kaunting ano lang po ‘yan, sensitive sila riyan. Masasaktan po sila,” mahabang paliwanag ni Ken.

Malaki ang naging kontribusyon ng My Special Tatay para magkaroon ng awareness ang marami tungkol sa Mild Autism Spectrum Disorder.

May lumapit po sa akin na nanay, na nagpasalamat, sa Robinson’s Magnolia pa nga po ‘yun eh, lumapit sa akin, nagpapasalamat siya dahil may ‘My Special Tatay’ na nagiging aware po ‘yung mga tao kung gaano ka-sensitibo ‘yung ganitong kondisyon at sitwasyon.

“Na huwag ganoon.”

“Na hindi dapat gawing katatawanan sa pamamagitan ng memes ang kondisyon na tulad ng kay Boyet.”

At dahil rin sa pagpapakita ng buhay ni Boyet sa My Special Tatay naunawaan ng mga tao na hindi naman limitado ang kapasidad at pag-iiisip ng taong may Mild Autism Spectrum Disorder.

Puwedeng maging responsableng tatay, puwedeng magmahal. Dati akala nila bawal silang mag-asawa, bawal magkatrabaho, bawal kung anuman ‘yung ginagawa ng isang normal na tao.”

Kaya instrumentong maituturing si Ken bilang si Boyet.

Naniniwala po ako na naging instrumento po ‘yung My Special Tatay mismo sa mga tao para maging aware sila.

“Kasi parang marami pang hindi aware, eh.

“Marami pang hindi nakaaalam kung ano… kahit nga po ako eh, hindi ko alam dati kung ano ang ibig sabihin ng mild autism… ng mild, mayroon palang mild, may moderate, may severe.

Na may ganoon pala, so talagang nag-research kami nila Sir Jojo [Aleta, Executive Producer ng My Special Tatay], pumupunta kami sa ganitong school, kumakausap kami ng may autism, para malaman  namin kung ano kasi kahit kami hindi kami rati aware,” giit pa ni Ken.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *