Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Hulaan’ sa celebrities narco-list kailan wawakasan ng PDEA?

HANGGANG sa kasalukuyan ay naghahari ang kapraningan sa hanay ng celebrities lalo sa entertainment sector kung sino ang nasa ‘bluebook’ na nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga nadakip nilang big time party drugs suppliers na ‘yung isa nga ay napaslang.

Sabi kasi ng PDEA, ‘yung isang supplier na nanlaban at napaslang sa Sta. Cruz, Maynila ay siyang No. 1 supplier ng party drugs sa ‘entertainment’ industry.

Sa kanya umano nakuha ang ‘bluebook’ ng mga celebrities na suking-suki niya sa party drugs.

Ang ipinagtataka lang natin, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng PDEA ang listahan ng celebrities na sangkot sa ilegal na droga?!

Maniniwala tayo sa rason na, ang isang suspek o akusado ay nanatiling inosente hangga’t hindi napapatunayan sa korte ang akusasyon laban sa kanila…

Sana nga ay ganyan ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi inilalabas ng PDEA ang listahan, e paano kung hindi maganda ang layunin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas nag pangalan ng mga celebrity na ‘yan?!

In the first place kasi, dapat hindi nila ini-announce sa publiko ang natuklasan nilang ‘bluebook’ ng celebrities na sangkot sa droga pero hindi naman pala nila kayang ilabas?!

Sana naman ay hindi nila gamitin ang listahang ito sa masamang diskarte. Naniniwala tayong kontrolado ni Director Aaron Aquino ang kanyang mga tauhan kaya walang magtatangka na sirain ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Naniniwala rin tayo sa sinabi ni Presidential Spokesperson  Salvador Panelo na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang ituturing na VIP sa mga celebrity na sangkot sa ilegal na droga.

Hindi naman siguro magkakaroon ng listahan ang PDEA kung wala silang basehan.

Ang tanong lang natin, kailan wawakasan ng PDEA ang hula-hulaan kung sino ang nasa narco-list sa hanay ng entertainment industry?

Sana ay magkaroon na ng tapang ang PDEA para mailabas na ang listahan na ‘yan…

Hindi ba, Director Aaron?!

 

FEMALE TOILETS
SA NAIA TERMINAL 1
‘VERY UNCOMFORTABLE’
SA KABABAIHAN DAHIL
HALOS WALANG PRIVACY

MARAMING natuwa dahil natapos na rin ang renovation ng comfort rooms malapit sa carousel/conveyor ng mga bagahe sa arrival area Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa wakas, hindi na dehado ang ating paliparan sa terminal 1.

Pero,  nagulat tayo nang isang araw ay makita natin na may pila ng mga kababaihan sa loob ng cubicle  ng nasabing female comfort room.

Aba, wala man lang cover ang mga cubicle (maliban sa pinto nito).

Parang estilong makaraos lang at hindi talaga magiging comfort sa kababaihan na alam n’yo namang magsusuklay, maglilinis ng mukha o kaya magto-toothbrush sa harap ng salamin dahil kitang-kita sila ng mga dumaraang mga tao sa labas.

Sa totoo lang, sinadya po nating puntahan ang nasabing area ng comfort rooms kasi nga may mga natatanggap tayong feedbacks.

At napatunayan nga natin ang feedback na nakarating sa atin.

Sino kayang henyong arkitekto ang nag­disenyo ng nasabing women’s comfort rooms at hindi man lang ikinonsidera ang pangangailagan ng mga kababaihan.

Aba, kapag nakita ninyo, mas may privacy pa ang male CRs.

Gusto ko na lang isipin na hindi pa tapos ang paggawa sa CRs baka sa susunod na punta natin sa Terminal 1 ay magkaroon na ng kahit kaunting cover ang female CRs.

‘Di ba Sir Ed?! 

 

TUPADA
SA BASECO

SUMBONG ko lang po na may nangyayaring sabong dito sa Block 15-B Baseco Port Area Mla., tuwing araw ng linggo. Malapit sa simbahan ng San Nicolas de Tolentino at sa palengke. Salamat po.

+63908601 – – – –

 

SSS STOCK
INVESTMENT
LOAN, NGANGA?!

MAG-O-OFFER daw ulit ngayong Marso ang SSS ng “one BIG TIME opportunity” para maka-avail ang mga miyembro ng loan penalty condonation. Ngunit hindi pala patas dahil ‘yung mga nangutang sa Stock Investment Loan at minalas dahil bumagsak ang presyo ng stocks bukod sa pataw na mala2king interest at penalty ay ‘di daw kasama. Anong klaseng sistema ito na may pinipili e ‘yung mga naglagay sa recommended stocks nila ay siyang pnaka­kawawa dahil walang napuntahan ang inutang nila, abonadong abonado pa!

+63922702 – – – –

KARERA NG MOTOR
SA BATANGAS ST.

GOOD pm Sir Jerry. Isa ako sa tagasubaybay ng Bulabugin. Hndi ba bawal sir magkarera ng mga motor at tricykel? Dito sa Batangas St., corner Abad Santos. Tuwing alas-2 ng madaling araw. Istorbo sa 2log.

+63942746 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *