Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kai Sotto simula na sa ensayo

UUMPISAHAN na ni Kai Sotto ang kanyang ensayo sa pagli­pad sa US ngayon para sa dalawang buwang pagsasanay na bahagi ng kanyang misyon na makatapak sa National Basketball Association (NBA).

Sa Atlanta, Georgia ang unang destinasyon ng 7’2 Filipino teen sensation na sasailalim siya sa puspusang body strengthening at con­ditioning sa loob ng dalawang buwan sa ilalim ng East West Private Agency.

Inilinaw ng ama ni Kai na si Ervin na bagamat patulak sila sa US ay hindi pa rin ito ang kanilang pinal na destinasyon bagkus ang Europa pa rin.

Sa ngayon ay nasa mesa pa rin ang international offers kay Sotto mula sa clubs na Barce­lona, Baskonia, Estu­diantes at Real Madrid mula sa Spain gayundin ng ALBA Berlin mula naman sa Germany.

“There’s no plan to play in US. Europe is still the number one option,” ani Ervin.

Bagamat nauna na sina Kai at Ervin sa US, inaasahang susunod sa kanila ang ina na si Pamela gayundin ang mga kapatid ni Kai sa darating na Mayo.

Inaasahang babalik sa bansa ang pamilya Sotto sa Hunyo kung kailan niya iaanunsiyo kung saang Europe club ipagpapatuloy ang paglalaro.

Bago naman magdesisyon, maglalaro muna si Kai sa Batang Gilas na isa aniya sa kanyang mga responsibilidad sa bayan kapantay ang personal na pangarap na makarating sa NBA.

Inaasahang lalong malakas at mas malaki na ang maitu­tulong ni Kai sa panahong iyon kung kailan sasalang ang Batang Gilas sa FIBA U19 World Cup na magaganap mula  29 Hunyo hanggang 7 Hulyo.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …