Lahat ng judges sa BakClash Grand Showdown last Saturday sa Eat Bulaga na kinabibilangan nina Danny Tan, Renz Verano, Arnel Pineda, Jessa Saragoza, Mark Bautista, at Audie Gemora ay hilo at nahirapan sa kanilang pagpili sa 6 Bakclash finalists na sina Bouncer Diva Yvonna, Hyper Diva Annie, Krak Krak Diva Janel, Whistle Diva Stephy, Sleeping Diva EJ Salamante at ang Indi Diva Bakclash Echo, na siyang napili ng celebrity judges para maging kauna-unahang BakClash Grand winner.
Tumataginting na P300,000 ang iniuwing premyo ni Echo o Jerricho Calingal sa score na 94.88% at .30% lang ang lamang sa mahigpit na kalabang si EJ. Napakaganda ng performance ng bawat isa, nagkatalo lang at sobrang galing ni Echo sa kanyang mga number kabilang ang nakaaaliw niyang pagkanta ng Penpen de Serapin sa Bakclash Song Challenge.
At sa sobrang hanga ni Arnel Pineda sa singing talent ng Bakclash Final 6 ay nag-comment ng pasasalamat niya sa Eat Bulaga at binigyan ng programa ng exposure ang nasabing finalists na may karapatang i-showcase ang kanilang mga talent sa telebisyon.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma