Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo at Jessy kakikiligan sa “Stranded”

SUNOD-SUNOD na ang pagbibida ni Arjo Atayde at deserving ang actor na mabigyan ng malalaking role kasi hindi lang siya mahusay na actor kundi napaka-propesyonal pa sa kanyang trabaho.

At dito sa “Stranded” ang romantic comedy film na pinagtatambalan nila ni Jessy Mendiola sa Regal Entertainment, Inc., masaya si Arjo kasi kakaibang experience naman para sa kanya ang paggawa ng film na idinirek ni Ice Idanan mula sa script nina Easy Ferrer at Jeps Gallon.

Sa mediacon ng pelikula sa 38 Valencia Events Place ay tinanong si Arjo kung kumusta na siya at ang puso niya?

Aware na ang lahat na sila na ni Maine Mendoza.  “I’m a better version of myself now I could say. I’m more responsible, happier. Everything is so hard and I’m really inspired to work harder and not to prove anything at all. That’s not my main purpose. That’s part. Basta inspired na ako sa lahat ng bagay,” aniya.

Nang paulit-ulit na matanong about him and Maine ay nagpasintabi ang mahusay na aktor sabay sabing,

“I don’t wanna talk about it right now and I wanna pay respect to Jessy. So let’s stick to the story of the movie,” maayos na sagot ng binata.

Samantala, magpapakilig pareho sina Arjo at Jessy dito sa “Stranded” under the direction of Ice Idanan,

“Yes, it’s a different kind of love story. I’ve been wanting to do a rom-com. I wanted to do a love story na pelikula or serye and, finally, I was given the chance.

“I really waited for this kasi, sabi ko, if ever I come out in a romantic film, gusto ko kakaiba ‘yung kuwento, kuwentong hindi pa naikukuwento sa Philippine cinema, and finally it’s coming out on April 10. I’m very, very excited.

“I promise you, hindi pa ‘to napapanood ng mga Filipino,” lahad ng award-winning Kapamilya actor.

Gagampanan ni Arjo sa movie ang character ni Spencer, isang happy go lucky kind of guy na walang direksiyon ang buhay. Ngunit biglang maiiba ang kanyang disposition in life nang ‘makulong’ sila ni Julia (Jessy) sa isang building dahil sa bagyo.

At sa ilang oras nang pagsasama nila, marami silang madidiskubre sa kanilang mga sarili. Wish naman ni Jessy na sana ay mas suportahan daw ng manonood ang Stranded na showing na ngayong April 10.

Makakasama rin sa “Stranded” sina Miko Raval, Mich Liggayu, Miggy Marty, Pinky Amador, Johnny Revilla at marami pang iba.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …