Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arci, guwapong-guwapo na kay JM, UP days pa

PURO tawanan ang lahat noong media launch niyong pelikulang Last Fool Show. Kasi nga nasimulan ang kuwentuhan sa simula ng pagkikilala nina JM de Guzman at Arci Munoz. Nagkakilala pala sila noong 2005 pa. Sinasabi ni Arci na 15 lang siya noon, 16 naman si Jm.

Aminado rin naman si Arci, Tita Maricris, na noon pa man ay pansin na nilang pogi ang apo ni Mang Cune, pero hindi nga niya masyadong pansin kasi may katabaan pa noon si JM, bukod sa akala nila kagaya rin siya niyong ibang sumasali sa mga theater group na bumabalikwas din ang daliri kung walang ibang nakakakita.

Sabi nga kasi ni Arci, karamihan naman kasi sa nakakasama nila sa theater, mga bading din.

Natawa nga kami eh, sabi kasi niya ok lang naman sa kanya ang gays bilang kaibigan, at marami siyang mga kaibigang gays, pero iyong makipagligawan sa isang gay, hindi pa niya nararanasan.

Mayroon pa tomboy,” pagkukuwento pa ni Arci, na karaniwang nangyayari rin sa mga high school girls kahit na ngayon.

Kaya nga habang ginagawa nila iyang Last Fool Show, palagay na palagay na ang loob nila sa isa’t isa, kasi ang nasa isip nila, nagkakilala na sila 19 years ago pa. Nagkasama na rin sila sa trabaho at more or less alam na nila ang ugali ng isa’t isa.

Para na nga iyong  ”reunion” nilang dalawa.

Hindi rin naman malayo ang kuwento ng Last Fool Show, dahil tungkol iyon sa isang babaeng director ng pelikula na naisipang gawing kuwento ang naging love affair niya sa kanyang ex. Iyan ang romantic comedy nga talaga.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …