Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Simula ng piesta ng mga bolero

‘YAN po ang narinig nating huntahan sa  isang coffee shop.

Naalala natin, simula na nga pala ngayon ng kampanya ng mga kandidato sa lokal.

Mula mayor, vice mayor hanggang konsehal, mula gobernador, bise gobernador, hanggang bokal at mga congressman sa bawat distrito.

Kaya ngayong araw, opisyal nang magsisimula ang kampanyahan at bolahan. Mga Oh Promise Me (OPM) na walang katuparan.

At ‘yung hindi nila natupad na pangako, ‘yan na naman ang gagamitin para ipangrahuyo sa mga botante.

As usual, mayroon silang mga campaign team na may manager at leaders.

Kung mababait makipag-usap ngayon ang mga politiko, tiyak na para namang mga langaw na nakatungtong sa kalabaw ang kanilang mga lider-lideran.

Kaya riyan sa mga napiling campaign staff lalo na ‘yung mga lider-lideran, diyan kaiingat ang mga kandidato ganoon din ang constituents.

‘Yang mga pumapagitna na ‘yan, mas madalas nasa hanay nila ang mga nagwawalanghiya.

Sana ay huwag magpabola ang mga botante sa matatamis na dila ng mga politiko at sana’y huwag silang mabiktima ng mga lider-lideran na mas maangas pa sa kandidato.

Nawa’y  huwag kalilimutan ng mga kaba­ba­y­an natin na kailangan natin bumoto ng matitinong lider hindi ng mga bolerong politiko.

Alamin din ang track records ng mga kandidato nang sa gayon ay hindi malugmok sa pagsisisi sa bandang huli.

Hangarin po natin na maging payapa ang halalan — mula sa kampanyahan hanggang sa araw ng botohan. 

Good luck people of the Philippines!  

 

BUKOL-ESTAFA
TANDEM AT JOWAWITS
I-LIFESTYLE CHECK!

LIFESTYLE check!

Ito ngayon ang sigaw ng mga nabukulang IOs matapos nilang malaman na natakasan sila ng estafa-in-tandem nina Boy Imbisibol Bukol King and Boy Bukol Prince!

Mahirap na raw kasi sa kanila ang maghabol dahil parang blessing in disguise pa ang pagkak­adestino ng dalawang bukolero matapos silang ibato sa labas ng airport.

Susme sobra palang kinawawa ang mga IO!

Isipin na lang na umabot yata sa 32 mansanas ang atraso sa itaas ng dalawang kolokoy hindi pa raw kasama riyan ang utang sa mga nagtatak na ‘di bababa sa 10 mansanas!

Sonabagan!!!

Magkano naman kaya ‘yung sariling kita nila?

Anak ng tungaw!

Laking kuwarta nga talaga ang nakulimbat at kinita ng tandem!

Hindi nakapagtataka na “can afford” na talaga silang mag-live in luxury!

Kumusta naman kaya ang Toyota Land Cruiser na latest acquisition ni Boy Bukol King?

Pati mansion(s) ay bonggacious at talagang todo pa-feng shui pa?

Mansions ha, not mansion!

With an ‘s’!

Ibig sabihin plural!

Tila lulumain si Panyerong Paminta na isang dream house lang sa Alabang ang afford!

Kaya pala hindi nakapagtataka na maging MALU HO rin ang jowawits na bisor at parang Intramuros to Vito Cruz lang kung makapag-abroad?!

Come to think of it, minsan daw tinangka ng kanyang mga kasamahan na singilin si Bukol King pero sagot daw nito ay “hindi pa naman siya magreretiro so bakit siya magbabayad!”

King enough ka naman boy!

Ganyan pala talaga katindi ang “kevlar” sa katawan!

Katawan ba o mukha??

Ano kaya ang “say” ni SOJ Menardo Guevarra sa clamor ng mga taong apektado?!

Ating abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *