Monday , December 23 2024

Mayor Jay, sagot ng Simala Shrine kay Aiko

NANINIWALANG heaven  sent si Mayor Jay Khonghun kay Aiko Melendrez dahil ipinanalangin niya ang future husband niya sa Simala Shrine sa Oslob, Cebu.

Inamin ng outgoing mayor ng Zambales at kakandidatong bise gobernador sa nasabing lalawigan na tatapusin muna nila itong eleksiyon 2019 at saka naman niya aayusin ang kasal nila ni Aiko.

Siyempre, oo naman. Oo naman. Walang kagatol-gatol kong sasagutin na oo naman.

“Aiko is a very good person. At napakasuwerte ang kahit sinong lalaki makakakita ng katulad niya,” seryosong sabi ni Mayor Jay.

I’m so speechless,” sabi naman ng aktres na kinilig pa.

Kung walang pagbabago ay sa susunod na taon na gaganapin ang hinihintay ng lahat.

Hopefully siguro, bigyan n’yo kami hanggang next year. We will settle everything aayusin namin lahat ng dapat ayusin. I can’t wait hindi na rin ako makapaghintay kasi siyempre iyon naman ang gusto mo makasama sa buhay ang taong pinakamamahal mo,” pag-amin ni mayor Jay.

Kaya pala may pre-nup photos na sila na kinunan sa magagandang tanawin sa Zambales na ipinost ni Aiko sa IG niya.

Hindi ‘yun! Mayroon kaming calendar na ipamimigay sa buong Zambales. So, we wanted that feel na parang ipakita namin ‘yung ganda ng Zambales. So, nag-assume ‘yung tao na parang pre-nup siya,” paliwanag ng aktres.

At diin ni Aiko, “I’m not engaged yet. I don’t have a ring. I don’t have a proposal yet or something, not na nagpaparinig ako. Pero hindi. Wala po! Wala pa po!”

Kung hindi pa nabanggit ng isa sa bisita nina Aiko at Mayor Jay na dininig ng Diyos ang panalangin ng aktres na bigyan siya ng makakasama sa buhay ay hindi namin malalamang hiniling nga niya ang future husband niya sa kilalang simbahan sa Cebu dahil lahat ng dumulog doon ay may kasagutan.

Sabi ko lang kay Lord na sana bigyan niya ako ng taong makakasama ko at maiintindihan ako. So siya (Jay) na nga,” kaswal na sabi sa amin ng aktres.

At ang nakatutuwa ay nagmukhang engagement party ang supposedly thanksgiving event ni Aiko para sa mga kaibigan niya sa entertainment press dahil inisa-isang hingan ng mensahe ang mga taong malalapit sa aktres.

Halos lahat ay nag-advance congratulations na at sana maging masaya ang kanilang pagsasama in the future.

Marthena, may ibinuking

Nagmarka sa amin ang sinabi ng bunsong anak ng aktres na si Marthena Jickain (anak ni Martin Jickain) na pagkatapos niyang i-good luck at i-congratulate ang mama at Tito Jay niya ay binanggit niyang, “thank you tito for making my mom happy.”

Base sa panayam din kina Aiko at Mayor Jay ay sobrang sweet ang magkapatid na Andrei Yllana at Marthena sa kanila, “they’re very nice kids, they’re very supportive, nakatutuwa kasi suportado nila ‘yung mommy nila at saka ako and nakatutuwa kasi at this early age naiintindihan nila ‘yung issues, they’re away kung anong nangyayari kaya I’m very thankful na talagang naiintindihan nila,” say ng future hubby ng aktres.

Blessed with good kids

Hindi naman nawawala ang ngiti ni Aiko kapag napupuri ang mga anak niya na pawang mababait at marunong gumalang sa lahat dahil ibig sabihin ay maganda ang pagpapalaki niya sa mga bata siyempre kasama ang Mama Elsie Blardony niya.

Anyway, anim na araw namamalagi si Aiko sa Zambales para suportahan sa kanyang kadidatura si Mayor Jay bilang bise gobernador at umuuwi lang siya sa araw ng Linggo para makapiling ang mga anak at magulang.

At hindi rin nakaka-bonding nina Andrei at Marthena si Mayor Jay.

Ngayon lang hindi nakakapag-bonding kasi nga most of the time nasa Zambales kami pero ‘pag nandito (Manila) kami nagkukuwentuhan kami, lumalabas kami, lalo na kay Andrei kasi almost magkasing-age kaming dalawa,” nakangiting kuwento ng Tito Jay ng dalawang bagets.

Ikinuwento ni Aiko sa mga anak niya kung bakit kinailangan niyang manatili muna sa Zambales.

Inupuan ko talaga sila at ipinaliwanag ko na ‘Andrei, Marthena, Tito Jay needs me,’ and I have to explain everything ha even the issue kasi I don’t want them to come and questioning me na, ‘mom what’s this thing I heard,’ kasi alam n’yo naman ang mga bata sa school kasi may mga gadgets. 

At least first hand story na this is the issue of Tito Jay and what happened.  In-explain ko talaga sa kanila at sabi nga, ‘go ahead mom, support Tito Jay and after that, we all have family time.’ I’m blessed with good kids, you know,” say ng proud mommy.

Meeting kay Duterte at pagprisinta ng ebidensiya

Samantala, ikinuwento ni Aiko na hindi na siya matutuloy sa teleseryeng Sandugo nina Aljur Abrenica at Ejay Falcon kasama rin sina Ariel Rivera, Cherie Pie Picache, Elisse Joson, Ogie Diaz, Arlene Muhlach, Jeric Raval at ang pagbabalik telebisyon ni Cogie Domingo dahil nagpaalam na siya sa Dreamscape unit head na si Deo T. Endrinal.

Nakapagpa-alam ako ng maayos po kina Tito Boy (Abunda-manager niya) at humihingi po ako ng pasensiya kay Sir Deo at Sir Erick Salud (business unit head). 

Sadly, hindi namin kasi nakita itong mangyayari, itong nangyayari ngayon sa sitwasyon namin ni Jay. So, I had to decline. Pasensiya na po. And babawi po ako sa inyo. Mas kailangan lang kasi talaga ako ngayon ni Jay, iyon lang pasensiya na po.

‘“Yung role na ‘yun ay ginawa talaga for me, ibinigay na nila kay Vina (Morales) which I’m happy kasi kaibigan ko si Vina.

“Sabi nga ni Vina sa akin, ‘sis tanggapin ko ‘yung project (Sandugo)’, sabi ko tanggapin mo kasi maganda ‘yung project na ‘yan. 

But you know sa buhay ng tao, there’s always a reason, maybe hindi talaga para sa akin dahil mas kailangan ako ni Jay.

So in that 45 days na ‘yun, we’ll be going around the whole Zambales kaya wala talagang time, so after niyon, God willing I know God is good sana bigyan ulit ako ng magandang project,” pahayag ng aktres.

Malaking katanungan kina Mayor Jay at Aiko kung paano siya nasabit bilang narco politician gayung nanalo ang Subic nang magkakasunod na tatlong taon.

Bago pa ang isyung ito, Subic was awarded as the best implementer of Oplan Tokhang in Region 3, we are the first winner in best Oplan Tokhang in support kay President Duterte kaya nakagugulat biglang lumabas itong accusation na ito.”

Inamin din ng upcoming bise gobernador na hirap siyang i-monitor ang SMBA.

”’Yung SBMA (Subic Bay Metropolitan Authority), which is open port, eh. So alam naman natin kapag may port, nandiyan din ang mga illegal na gawain although hindi ko under ang SBMA kasi may separate entity ‘yan. It is under the SMBA chairman and administrator. 

Siyempre nandoon lahat ‘yung mga pumapasok na kargamento which is hindi naman namin under. Tapos nasa amin din ‘yung Hanjin (Heavy Industries and Construction) which employs 30,000 na tao. So, labas pasok ang tao sa amin every 6 months nagpapalit. Isipin mo from all over the country, iba’t ibang tao ‘yung nagpupunta sa amin every 6 months.  Makikita mo ‘yung trabaho na ibang tao ‘yung papalit-palit at pasok at hindi mo alam kung tagasaan. So, isa iyon sa difficulty ng pagma-manage ng bayan namin. Pero kaya naman talagang ginagawa namin ang lahat ng aming magagaawa para suportahan ang proyekto ni Presidente (Duterte),” paliwanag ni mayor Jay.

Umaasa rin na mapag­bibigyan sila ni Presidente Rodrigo Duterte sa hiniling nilang meeting para maipag­tanggol nila ang sarili at mag-present ng ebidensiya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *