Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Lifestyle check sa 2 hepe ng BPLO isusulong ng PCGG

KAHIT ipinasa na sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) Commissioner Greco Belgica ang reklamo hinggil sa umiiral na ‘tara’ policy sa dalawang business permits and licensing office (BPLO) sa Metro Manila, hindi pa rin sila ligtas  sa lifestyle check.

Usap-usapan ngayon sa business grapevine ang matinding ‘tara’ policy na ang pangunahing nasisila ay mga negosyanteng tapat na sumusunod sa umiiral na batas.

At ‘yang mga negosyanteng masunurin sa umiiral na batas, sila ‘yung mga inis na inis sa sistemang itinatakda ng BPLO na ang lahat ng magre-renew ng kanilang business permit ay kailangan munang kumuha ng Comprehensive General Liability (CGL) insurance.

Okey naman sana, pero ang isa pang nakapagtataka, bakit kailangan na ang insurance company na kukuhaan nila ng CGL ay kailangang i-authenticate ng dalawang pribadong insurance company?! Bakit hindi ang Insurance Commission ang mag-authenticate?

At ‘yan din ang dahilan kung bakit nakarating sa PCGG at sa DILG ang reklamong ‘yan.

Kung hindi tayo nagkakamali, iniimbesti­gahan na umano ng DILG ang nasabing ‘tara’ policy sa BPLO ng dalawang lungsod sa Metro Manila.

‘Tara’ policy ang tawag dito dahil sa kabuuang ibinabayad ng isang kliyente, 40% lamang ang naka-resibo at ang 60% umano ang ‘pumapasok’ sa kabang-bulsa ng mga nasa ‘itaas.’

Tsk tsk tsk…

Hindi lang po P50 milyones ang pinag-uusapan natin dito.               

Sana naman ay mabalitaan natin kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon ng DILG. Naumpi­sahan na kaya ang imbestigasyon, Secretary Eduardo Año?!

Pero sabi nga ni Commissioner Greco Belgica, puwede pa nilang ipa-lifestyle check ang hehe ng BPLO ng dalawang lungsod sa Metro Manila.

Kaya naman bilib tayo kay Commissioner Greco, seryoso sa kanyang trabaho.

Aabangan po namin ang resulta ng lifestyle check ninyo sa dalawang BPLO chief, Commis­sioner Greco.

  

BOY BUKOL y ESTAFA
IN TANDEM
NAG-VIRAL SA BI-NAIA
(ATTENTION: SOJ
MENARDO GUEVARRA)

ANO itong kumalat na balita na dalawang hepe raw sa Bureau of Immigration (BI) – NAIA na tinamaan ng rigodon kamakailan ay labis na ipinagdiwang nang halos lahat ng Immigration Officers (IO) lalo na ‘yung Primary Officers sa NAIA??

Hindi raw magkamayaw ang kanilang galak na tila parang simbilis ng sunog ang pag-viral sa mainit pang Personnel Orders ng dalawang key officials ng BI sa airport.

Malaki raw kasi ang naging ‘atraso’ sa kanila ng dalawang kolokoy dahil sagad hanggang bungo ang “bukolites” na inabot ng mga IO sa hindi raw pagbabayad sa kanilang serbisyo noon pang panahon ng dating hepe riyan.

Aruyyy!

Wattafak!?

Bukod tangi lang daw na ang personnel order nila ang talagang naging center of distraction ‘este attraction sa BI-NAIA.

Ano ba kasi ang naging atraso nitong dala­wang boy bukol de estafa at ganoon na lang ang naging galit ng mga kasamahan nila sa kanila?

E ‘di kasi naman, limpak-limpak na kuwarta raw ang kinulimbat, tinalo pa ang mga tulisan sa palabas na “Ang Probinsyano?!”

Susmaryosep!

Nangyayari pala ‘yan sa totoong buhay.

Akala natin ay kathang-isip lang!

Isipin na lang daw na sa ikinamada nilang pitsa ay puwede nang magretiro sa serbisyo sina Boy Bukol Imbisibol at Kamote Deputa na kapwa nagmamaneho ngayon ng magagarbong sasakyan (Toyota Land Cruiser pa raw ang isa riyan!) puwera pa ang limang bahay na naipatayo ni Boy Bukol.

Mainit na pinag-uusapan din ang jowa-jowawits bisor na alias Malu Ho ni Boy Bukol y Estafa na nakapagpatayo rin ng ilang bagong mansion.

Aha, lovers in crime pala?!

Sonabagan!

SOJ Menardo Guevarra, bagay siguro kung ipa-lifestyle check ho ninyo ang dalawang kumag para naman magkaroon ng ‘hustisya’ ang mga naagrabyadong IOs!

Ano po sa tingin ninyo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *