Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde lalamunin ng katiwalian bilang “Bagman” sa iWant, action drama series ikinompara sa Hollywood series sa Netflex

SUSUUNGIN ng streaming service na iWant ang masukal na mundo ng politika at mga maka­pang­yarihang tao sa bagong original series nitong “Bagman” na magsisimula nang mapanood sa 20 Marso.

Bibida sa socio-political action drama series si Arjo, isang ordinary ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya. Dahil sa road-widening project ng munisipyo, nanganganib na ma-demolish ang sarili niyang barber shop na pinagkukuhaan niya ng pang-araw-araw na kita.

Dahil buntis ang asawa, papayag si Benjo na gawin ang isang maliit na misyon para maisalba ang kanyang barbershop.

Para kumita ng karagdagang pera, papayag siyang maging bagsakan ang barber shop ng mga kahina-hinalang transaksiyong maaaring magpahamak sa buhay niya.

Hindi kalaunan ay masisilaw si Benjo sa pera at kapangyarihan at pagsisilbihan ang gobernador ng kanilang probinsiya bilang “bagman.”

Simula rito, unti-unting tatalikuran ni Benjo ang kinasanayang buhay at sariling paninindigan upang ilakad ang iba’t ibang transaksiyon ng kanyang among politiko.

Sa pagkakalublob niya sa magulong mundo na puno ng kasinungalingan at katiwalian, makakabangga ni Benjo ang iba’t ibang tao at institusyon. Ngunit makakawala pa kaya siya mula rito?

Ipinrodyus ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment ang “Bagman” tampok si Arjo kasama sina Alan Paule, Yayo Aguila, Chanel Latorre, at Raymond Bagatsing.

Ang 12-part series na ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico, at nilikha nina Lino Cayetano, Philip King, at Shugo.

Ang unang anim na episodes nito ay magiging available sa iWant nang libre simula 20 Marso. Tatlong episodes ang mapapanood sa 27 Marso, at ang huling tatlong episodes naman sa 3 Abril.

Mula sa paggawa ng mga teleserye sa telebisyon na minahal at tinutukan ng mga Filipino, panibagong yugto sa pagbibigay ng mga de-kalibreng pelikula ang tatahakin ng Dream­scape Entertainment sa Dreamscape Digital, ang nasa likod ng trending movie na “Glorious,” romantic dramas na “The Gift” at “Apple of My Eye,” at ang edgy series na “Project Feb. 14.”

Panoorin ang “Bagman” nang libre simula 20 Marso sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph.

Mas maraming manonood ang makapag-e-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.

Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …