Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Play House
Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Play House

Zanjoe at Angelica, never na-link: Hindi ‘yun sinasadya

MADALAS nagkakasama sa serye o show sina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban, at ang huli ay itong PlayHouse  na napapanood sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtime, pero never silang naugnay sa isa’t isa.

Ani Angelika, ”Paano po ‘yun, tinatrabaho po ba ‘yun?” at saka bumaling kay Z (tawag kay Zanjoe) at sinabing, ”Sana ma-link tayo ha ha ha.”

Singit naman ni Z, ”Paano nga, ‘di ba?”

“Hindi magtrabaho na lang tayo uli, tapos…” susog ni Angelica. ”Baka sa next ma-link na kami. Hindi namin siguro napansin ang isa’t isa dahil sobra naming na-enjoy ang show,” tsika ni Zanjoe.

“Sobrang komportable na kami,” sabi muli ni Z.

“Ang hirap po ng tanong eh. Paano po masasabi kung paano mali-link ang isang tao, hindi naman ‘yun sinasadya, basta lang naman po ‘yun nangyayari, at tao lang naman ang gumagawa,”paliwanag pa ni Z.

“Labas nga po kami ng labas ‘pag walang trabaho wala pa ring pumapansin,” giit ni Angelica.”Mamaya nga lalabas uli kami and for sure wala namang papansin. Baka ikagulat na rin naman din nila. Ayun puwede na kaming ma-link niyon,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, dalawang linggo na lang mapapanood ang Playhouse at dahil sa makapigil-hiningang misyon nina Patty (Angelica) at Marlon (Zanjoe) noong nakaraang linggo na sagipin si Robin, nakakuha ang PlayHouse ng national TV rating na 17.9% noong Huwebes (Marso 7), base sa datos ng Kantar Media. Sampung puntos naman ang lamang ng show laban sa kalabang programa nitong Hiram na Anak na nagtala lang ng 7.8%.

Mula naman nang umere ang PlayHouse, nanatili itong panalo sa national TV ratings at humataw sa all-time high rating na 20.5%. Pinag-uusapan din ng netizens ang tagpo sa serye sa araw-araw nitong pangunguna sa trending topics sa social media.

Mayroon din itong spin off na pinamagatang  ZEKEling Maging SHIELA, isang iWant original series tampok ang love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin na patuloy na umaani ng views mula nang ilunsad ito sa ABS-CBN streaming service.

Kasama rin sa PlayHouse sina Isabella Daza, Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles, Malou De Guzman, Smokey Manaloto, at Maxene Magalona.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …