Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa krisis sa tubig… Kandidato magpasiklab naman kayo!

NGAYONG matindi ang krisis sa tubig sa ilalim ng concessionaire na Manila Water, panahon na siguro para magpasiklab naman ang mga kandidato.

Huwag lang sanang magpabida sa pagdakdak ang mga kandidato kundi makita sana ng mga mamamayan ang tunay na aksiyon.

Nakagugulat naman talaga ang nangyari na biglang naputol ang serbisyo ng tubig ng Manila Water at marami sa kanilang consumers ay hindi naabisohan.

Hanggang ngayon, mahirap tanggapin ang kanilang paliwanag na marami umanong nag-imbak ng tubig kaya nawalan sila ng supply?!

Wattafak!

O ngayon, panahon na para magpabida ang mga kandidato, dalhan ninyo ng tubig ang mga lugar na higit na nangangailangan lalo na ‘yung walang pambili ng purified water na puwedeng inumin ng kanilang pamilya.

Mabuti na lang at walang nagwala sa init ng ulo. Kasi nga naman kung kailan naging tag-init ‘e saka pa nagkaaberya ang serbisyo ng Manila Water.

Marami ang nagtataka na ang isang arkipelagong bansa gaya ng Filipinas na napapalibutan ng karagatan ay kinakapos pa sa supply ng tubig?!

E ‘yung Singapore nga noong araw bumibili lang ng tubig sa Malaysia, ‘di ba?!

Ngayong araw, na maraming bayan sa lalawigan ng Rizal ang mawawalan ng tubig, puntahan kaya sila ng masusugd na kandidato?!

Lalo na si Madam Cynthia Villar na may­roong kompanyang Prime Water.

Madam Cynthia, i-extend naman ninyo ang libreng serbisyo ng Prime Water sa mga lugar sa lalawigan ng Rizal na mawawalan ng tubig ngayong araw.

Kayang-kaya n’yo ‘yan.

Ganoon din po sa Mandaluyong, sa Quezon City at sa iba pang lugar sa Metro Manila.

Tubig naman diyan, Mr. & Ms. Candidates!

Anong petsa na…
HINDI PA RIN
APRUB ANG 2019
NAT’L BUDGET?
(Wattafak!)

BAKIT nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin naaprobahan ang 2019 national budget?!

Matatapos na ang first quarter ng 2019, ang budget ay hindi pa rin aprobado?!

Marami na ang nasasakripisyo. Maraming proyekto ang nabibinbin at higit sa lahat apekta­do na ang suweldo ng mga kawani ng pama­ha­laan maging ang kanilang increase na sana’y natatamasa na nila ngayon.

Ang suweldo para sa job orders na kai­langang-kailangan sa maraming ahensiya ng pamahalaan.

Hanggang ngayon hindi makapag-hire ng job orders kasi nga wala pang budget.

Kailan ba talaga aaprobahan ‘yan?!

Aba, gigil na si Senador Ping Lacson, kasi ganito raw ang nangyayari noong presidente pa si Madam Gloria macapagal Arroyo.

Ngayon daw ay nauulit na ang budget ay re-enacted na naman?!

Bakit nga ba, Madam GMA?! Kailan ba iaaprub ang national budget?!

Pakisagot na nga po!         

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *