IMBES maging abante ‘e paatras talaga ang serbisyo ng mga kompanyang dapat mangalaga sa batayang pangangailangan ng mga mamamayan gaya ng tubig.
Hindi natin maintindihan kung bakit kinakapos ang supply ng tubig ng Manila Water gayong isa lang naman ang pinagkukuhaan nila ng supply ng Maynilad?!
At ang higit na nakaiinis dito, nawawalan ng serbisyo nang walang abiso at walang alternatibo.
Mismong ang PAGASA at ang MWSS ang nagsasabing sapat ang supply ng tubig tapos mayroong isang concessionaire (Manila Water) na nagsasabing kulang ang supply ng tubig?!
Aba, baka dapat na rin dispatsahin ‘yang kompanya na ‘yan sa operasyon ng MWSS?!
Kung mawawalan talaga ng tubig, dapat na handa ang mga kompanya ng tubig na bigyan ng alternatibong mapagkukuhaan ang mamamayan.
Ang bilis ninyong maningil tapos kapag may problema walang aksiyon?!
TUBIIIIG!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap