Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Walwalan’ ng estudyante sa Intramuros namamayagpag pa rin (Paging Intramuros Admin)

HINDI pa pala sarado ang lahat ng ‘beer garden’ sa Intramuros, sa lugar na halos ilang metro lang ang layo sa mga makasaysayang unibersidad sa nasbaing lugar.

Ito ‘yung mga ‘beer garden’ na halos inaabot nang madaling araw ang walwalan ng mga estudyanteng ang iba ay naka-uniporme pa.

Ilang metro lang din ang layo ng mga walwalang ‘yan sa MPD PCP Lawton at ganoon din sa Intramuros PCP mismo.

Higit sa lahat, imposibleng hindi alam ng Intramuros Administration na namamayagpag ang mga beer garden na ‘yan na walwalan ng mga estudyante.  

Kung sasabihin naman na legal ‘yang mga beer garden cum walwalan na ‘yan, kanino sila nagbabayad?!

Kanino sila nakakuha ng permiso para mag-operate bilang ‘beer garden’ at walwalan ng mga estudyante?

Ayon sa mga magulang na nagrereklamo, ang kanilang mga anak na binibigyan nila ng allowance para mag-aral ay naeengganyong dumaan sa mga walwalan na ‘yan dahil napakalapit sa kanilang eskuwelahan.

Tama ba ‘yun?!

Narito ang reklamo ng ilang magulang:

“Grabe rin ang dumi ng paligid pinapayagan ang mga estudiante simula hapon hanggang madaling araw kahit na naka-uniform na-check kaya mga edad parang beerhouse talaga na madilim at doon maglalaglagan at ang mga waiter kung magsadya puro siga.

Sakop po ng Barangay 654. Dami rin mga estudyante nag-iinuman. Bakit isang beer house lang ang isinara, puro estudiante naka-uniform pa.”

Paging PCP Intramuros! Paging Intramuros Administration!

 

BAGSIK NI FAELDON
NALUSUTAN
NG DROGA SA BILIBID

Hindi umano umubra ang bagsik ni Bureau of Corrections (BuCor) chief, Nick Faeldon dahil nalusutan siya ng sindikato.

Kaya sa buwisit ni Faeldon, kanselado lahat ng pribilehiyo ng mga preso sa lahat ng bilangguan sa ilalim ng BuCor sa buong bansa matapos mabuyangyang na ang sindikato ng ilegal na droga sa Cebu ay ino-operate ng preso sa Bilibid.

Natuklasan ng Cebu police na ang 28 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P190 milyones ay galing sa isang Joselyn Encila, ang dyowa ng isang Ygot na kasalukuyang nakakulong sa Bilibid.

Ibig sabihin, si Ygot ay pribilehiyado sa loob at hindi lang cellphone kundi desktop at may wifi pa kaya tulog ang transaksiyon ng droga.

Wattafak!

Aabangan natin kung ano ang susunod ang hakbang ni  BuCor chief Faeldon, kung paano lulupigin ang sindikato ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *