MUNTIK-MUNTIKAN na palang hindi matuloy si Myrtle Sarrosa na maging leading lady ni Teddy Corpuz sa “Papa Pogi,” ang launching movie ng bokalista ng Rocksteddy. Sinabihan daw kasi si Myrtle na hindi na siya tuloy sa movie at nagulat na lang nang biglang tawagan isang araw ng production para sabihing siya na uli ang makakatambal ni Teddy.
Kaya laking pasasalamat ni Myrtle kina Mother Lily at Ma’am Roselle Monteverde sa bagong proyekto na ipinagkaloob sa kanya ng mag-ina at sobra raw niyang inenjoy ang shooting nila na happy lang sila sa set. At wow, may kissing scene sila ni Teddy dito sa Papa Pogi na showing in Cinemas nationwide this March 20 at may red carpet premiere sa March 18.
We heard maraming inimbita si Teddy sa kanilang premiere night at wish ng komedyante na sana ay dumating lahat.
“Oo siyempre kasi first movie ko, tapos kumbaga magkakapatid kaming lahat. Parang, ‘Uy! Magkakapatid tayong lahat dito. Sinuportahan ko kayo dati ha.’
Hindi naman ganoon kalaki ‘yung market ko sa social media pero sumuporta ako. Nando’n ako no’ng premiere night, red carpet, nanood pa ako nang isang beses uli,” pahayag na suporta niya sa kanyang mga kasamahan sa noontime show sa Dos.
Tungkol sa halikan nila ni Myrtyle dahil sa respeto niya sa kanyang misis ay ipinaalam pa raw ni Teddy sa kanyang partner. Mas maganda na raw ‘yung magpaalam siya para kapag napanood ng asawa niya ay wala nang magiging problema pa.
Samantala aminado ang TV host/comedian na talagang may pressure sa kanya sa kalalabasan ng kanilang pelikula sa takilya.
“‘Yung expecatations ko siguro, na kay Lord na lang ‘yon. Parang kung may maipagmamalaki ako, siguro ‘yung faith ko kay God, make o break with this film, it will remain solid pa rin.
“Sinasabi ko ‘yun kay Empoy (Marquez) (dati) na lahat may perfect timing, kung ano ‘yung ibigay sa iyo ni Lord,” pagtatapos ni Teddy na siya rin kumanta ng theme song ng movie na idinirek ng first time director na si Alex Calleja.
Parte rin ng Papa Pogi sina Donna Cariaga, Joey Marquez, Nonong Ballinan, Dawn Chang, Zeus Collins, Luke Conde, Nikko Natividad.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma