Hindi umano umubra ang bagsik ni Bureau of Corrections (BuCor) chief, Nick Faeldon dahil nalusutan siya ng sindikato.
Kaya sa buwisit ni Faeldon, kanselado lahat ng pribilehiyo ng mga preso sa lahat ng bilangguan sa ilalim ng BuCor sa buong bansa matapos mabuyangyang na ang sindikato ng ilegal na droga sa Cebu ay ino-operate ng preso sa Bilibid.
Natuklasan ng Cebu police na ang 28 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P190 milyones ay galing sa isang Joselyn Encila, ang dyowa ng isang Ygot na kasalukuyang nakakulong sa Bilibid.
Ibig sabihin, si Ygot ay pribilehiyado sa loob at hindi lang cellphone kundi desktop at may wifi pa kaya tulog ang transaksiyon ng droga.
Wattafak!
Aabangan natin kung ano ang susunod ang hakbang ni BuCor chief Faeldon, kung paano lulupigin ang sindikato ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap