Friday , December 27 2024

MNL 48, excited sa kanilang 1st major concert; Direk GB, kabado

HINDI maitago ng MNL 48 ang kanilang excitement sa nalalapit nilang concert sa New Frontier sa Abril 6, ang MNL48 Living The Dream Concert na ididirehe ni GB San Pedro.

Malayo na talaga ang narating ng all girls group simula nang ilunsad sila sa It’s Showtime matapos isa-isang piliin para makasama sa grupo.

Kung excited ang grupo, ganoon din kami dahil gusto namin makita kung ano na ba ang development nila simula nang ipakilala sa entertainment press. Kaya bago ibahagi ang mga mangyayari sa nalalapit na concert, muli silang nagparinig ng kanilang dalawang kanta.

Malaki na nga ang kanilang ipinagbago mula sa pakikipag-usap sa press na rati’y kimi at may pagkamahiyain. Ngayo’y confident na sila sa pagsasalita at mas gumanda ang kanilang personalidad, ‘di lamang sa panlabas maging sa panloob.

Maging ang director nilang si San Pedro ay overwhelm sa gagawing concert. Anito, maraming ipakikita ang all girls group na hindi karaniwang napapanood sa grupo.

“We are expecting to do other things na hindi pa nila nagagawa sa mga previous performances nila,” paunang sabi ni Direk GB. “Expect everyone to have fun.”

Bale ba first time mag-handle ni Direk GB ng ganito karaming performers sa isang concert. “Actually medyo kaiba sa ilang concerts na nagawa ko. Since ito medyo mas marami sila and we have to follow the standards ng protocol ng Japan. It’s a new thing for me. And I’m also learning how they do shows abroad, so medyo exciting at medyo kabado rin. Iba kasi ito sa performances na nagawa ko.”

Paglalahad pa ni Direk GB, may mga standard ang bansang Japan sa paggawa ng show. “Lahat ng ginagawa namin dito sa Pilipinas, collaboration ito sa Japan. So, in terms of staging, unlike before kapag may mga concert as a director ako ang bahala sa lahat. Ito may mga kailangan tayong ipa-approve muna kung okey o hindi puwede. May mga standard din sila in comes sa choreography, to music, to lighting, to staging. Lahat ‘yan dumaraan sa process, so ‘yun ang malaking difference rito.

“ I might be a little exciting kasi iba nga siya. Iba siya sa mga ginagawa natin sa Pilipinas. So, para akong nagdidirehe ng isang international concert dito sa Pilipinas.”

At kahit may sinusunod na standard para mai-pattern sa sister group sa Japan, may makikita pa rin namang pagka-Pinoy sa concert, ‘ika nga.

“We see to it na we follow their standard pero hindi nawawala ‘yung local flavor since nasa Pilipinas tayo. So my touches pa rin ng Pinay pagdating sa outfit, pagdating sa pagkanta, even ‘yung mga song nila, Tagalize parang walang existing na kanta. ‘Yung mga kanta nila para sa culture natin.”

Bagamat marami ang MNL48 may ranking naman ang grupo kaya hindi mahirap ang exposure na ibibigay sa kanila sa concert. “’Lahat ‘yan mayroon tayong order of appearance kung sino magli-lead sa isang kanta, o sino ‘yung kakanta sa number na ito. Equally divided naman siya. Ang exposure ng 48 plus 9 we make sure na lahat sila lalabas ang talent nila pagdating sa concert na ito,” paliwanag pa ni Direk GB.

Sa kabilang banda, natanong ang MNL48 kung ano ang disadvantages at advantages ng pagiging miyembro ng all girl group.

Sagot ng isa sa kanila, “it’s more on advantage, wala pong disadvantage, kasi po gusto namin ang ginagawa namin. Mayroon kaming mansion, housekeepers, RMs (road manager), they do take care of us talaga. Lagi kaming may mga journey, puspusan din po talaga ang trainings naming kaya talagang advantages po ang pinahahalagahan namin dito.”

“Marami ring opportunity na dumarating sa MNL 48, and katulad na lamang ng pagpunta namin internationally na nabibigyan kami ng chance na makapag-perform at thankful na andito kami,” susog naman ng isa pa.

Nalaman naming nakatira sa tinatawag nilang mansion ang grupo kaya hindi sila nahihirapan sakaling mayroong training o pagtatanghal.

Kuwento pa nila na nadadalaw naman sila ng kani-kanilang pamilya sa mansion at may oras din silang makapamasyal.

Sinabi pa nilang, nakatutulong din ang pagiging miyembro nila ng MNL 48 sa kanilang personality tulad ng pagdevelop nito at ang pagiging independent nila.

Magaganap ang MNL48 Living The Dream Concert sa April 6 sa New Frontier sa Cubao, Quezon City.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *