NANG humugos ang iba’t ibang operatiba at ahensiya ng pamahalaan sa Plaza Lawton/Liwasang Bonifacio para umano supilin at walisin ang namamayagpag na illegal terminal, marami ang umasa na tuluyan nang malilinis ang nasabing liwasan at muling magiging tunay na plaza para sa mamamayan.
Pero mukhang naging ‘drawing’ at “for publicity” lang ang kampanya, dahil paglipas lang nang ilang panahon, BSDU (as in ‘balik sa dating ugali’) na naman ang mga ilegalista!
Kumbaga, mukhang ginamit lang na propaganda at papogi.
Nagsipag-photo op lang para ‘mapitikan’ ng news photographers at TV reporters para matunghayan sa mga diyaryo, radio at TV kinabukasan.
Pero ngayon as usual, nandiyan na naman ang namamayagpag na illegal terminal sa Plaza Lawton.
Ang tanong: Talaga bang inutil ang nakasasakop na barangay sa nasabing lugar kaya hindi nila malinis-linis ang illegal terminal?
Inutil ba o mayroong pinakikinabangan?
Puwede pong sumagot sa ating kolum kung sino man ang tamaan.
Ngayon, kung hindi illegal ang parking ng mga bus, jeepneys, UV Express at iba pang sasakyan sa lugar na ‘yan, ibig bang sabihin nagbabayad sila at nabibigyan ng resibo?
May barangay clearance/permit ba ‘yan para mag-operate sa kanilang nasasakupan?
Aabangan natin kung pupunta ulit si DILG Usec Martin Diño sa illegal terminal na ‘yan para magpapogi ‘este isara nang tuluyan.
See you soon, Usec. Diño!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap