Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Calixto mahirap nang gibain sa Pasay City

PALIBHASA’Y mga lumang tao, kaya luma rin ang estilo ng panga­ngampanyang alam ng mga ‘trying hard bankala’ nina Pasay City Mayor Tony Calixto, na ngayon ay tumatakbong congressman, at ng kanyang utol na si Rep. Emi Calixto-Rubiano na ngayon naman ay tumatakbong alkalde ng lungsod.

(By the way, totoo ba na may pagkasuplada raw si Madame Emi?)

Kaya siguro nitong nakaraang linggo, walang ginawa ang mga ‘tropang fake news’ kundi pawang demolition job ang tirada sa kanilang magkapatid.       

Kesyo, sinampahan umano ng kaso sa Ombudsman kaugnay ng katiwalian?!

Aba, patapos na’t lahat ang termino ni Yorme ‘e wala naman bagong asunto sa Ombudsman.

May tirada namang, kulelat daw sa survey.

E kahit nga hindi nagpapa-survey ang mag-utol na Calixto, sila pa rin ang lumalabas na No. 1 sa survey.

Pero dahil hindi kinakagat ng publiko ang mga demolition job ng mga kalaban, ang tiradang  demolisyon naman ngayon ‘e narco-politician daw ang mga Calixto?

Wattafak!?

Personal nating kakilala si congressman-to-be Tony Calixto at kahit hindi kami madalas nagkakausap o nagkakape, iisa lang ang alam nating hilig niya — kabayo at si Bing Tecson.

Hindi niya ikinakaila ito pero siyempre hindi rin naman niya kailangang ipamarali.

Mukhang desperado na talaga ang mga kalaban sa politika ng mga Calixto, kasi maging ang mga patayan, sa kanya na rin ibinibintang.

Juice colored!  

E sino bang maniniwalang bayolenteng tao si mayor Calixto?!

Alam nang lahat sa Pasay na mahinahong tao si Tony Calixto at hindi mapagpatol sa mga mahilig mang-urot. Siya yata ang taong kung magalit man ay nakangiti pa.

Payo ko lang sa mga utak-talangka sa kalabang partido ay mas maigi sigurong mag-isip naman kayo ng ibang gimik…

Kasi, tiyak na hindi papatok ‘yang mga tirada ninyo sa Pasay constituents.

Uulitin lang po natin, walang kahilig-hilig magpa-survey ang mga Calixto, pero nakikita naman ninyo, lagi silang No. 1 sa puso ng mama­mayang Pasayeño.

Kaya ‘yung mga hindi mapakali, just eat your heart out!

Serbisyo hindi tsismis ang kailangan ng tao.

‘Yun lang po!

 

LAWTON ILLEGAL TERMINAL
NAMAMAYAGPAG PA RIN
(ATTENTION: MMDA AT DILG)

NANG humugos ang iba’t ibang operatiba at ahensiya ng pamahalaan sa Plaza Lawton/Liwasang Bonifacio para umano supilin at walisin ang namamayagpag na illegal terminal, marami ang umasa na tuluyan nang malilinis ang nasabing  liwasan at muling magiging tunay na plaza para sa mamamayan.

Pero mukhang naging ‘drawing’ at “for publicity” lang ang kampanya, dahil paglipas lang nang ilang panahon, BSDU (as in ‘balik sa dating ugali’) na naman ang mga ilegalista!

Kumbaga, mukhang ginamit lang na propaganda at papogi. 

Nagsipag-photo op lang para ‘mapitikan’ ng news photographers at TV reporters para ma­tung­­hayan sa mga diyaryo, radio at TV kina­bukasan.

Pero ngayon as usual, nandiyan na naman ang namamayagpag na illegal terminal sa Plaza Lawton.

Ang tanong: Talaga bang inutil ang naka­sasakop na barangay sa nasabing lugar kaya hindi nila malinis-linis ang illegal terminal?

Inutil ba o mayroong pinakikinabangan?

Puwede pong sumagot sa ating kolum kung sino man ang tamaan.

Ngayon, kung hindi illegal ang parking ng mga bus, jeepneys, UV Express at iba pang sasakyan sa lugar na ‘yan, ibig bang sabihin nagbabayad sila at nabibigyan ng resibo?

May barangay clearance/permit ba ‘yan para mag-operate sa kanilang nasasakupan?

Aabangan natin kung pupunta ulit si DILG Usec Martin Diño sa illegal terminal na ‘yan para magpapogi ‘este isara nang tuluyan.

See you soon, Usec. Diño!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *