Thursday , December 26 2024

Pamilyang tulak sa QC hindi ubra sa QCPD 9

HINDI na natakapagtataka kung laging naka­pagtatala ang Quezon City Police District (QCPD) ng “zero crime rate” sa lungsod. Kung hindi tayo nagkakamali base sa talaan ng pulisya, 14 beses nang nakaranas ang lungsod ng zero crime rate.

Bagamat hindi magkakasunod na araw nangyari  ang magandang balitang ito, patunay pa rin ito na prayoridad ng QCPD na pinamu­munuan ni P/Brig. Gen. Joselito Esquivel bilang District Director ang seguridad ng mamamayan ng lungsod o ang kaayusan at katahimikan ng Kyusi.

Hindi lang naman kasi para sa mamamayan ng lungsod ang serbisyong ipinamamalas ng QCPD kung hindi para lahat – mga bisita ng lungsod.

Paano nagawa ng QCPD ang pambihirang record na ito – ang zero crime?

Naturalmente, dahil sa hindi matatawarang leadership ni Esquivel na siyang nagpapataas sa moral ng kanyang mga opisyal at tauhan para magtrabaho hindi para sa ikagaganda ng imahen ng QCPD kung hindi para sa mamamayan.

Nagawang makapagtala ng QCPD ng 14 beses zero crime, dahil sa mga epektibong pagpapatupad ng iba’t ibang kampanya laban sa kriminalidad lalo na ang pagsugpo sa kalakalan ng ilegal na droga.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na pangunahing dahilan ng mga krimen ay ilegal na droga.

Kaya, dahil sa kaliwa’t kanan na matatagum­pay na operasyon ng QCPD mula police station drug enforcement units, district drug enforcement unit, district special operation unit, at iba pang operating unit, malaki ang ibinaba ng krimen sa lungsod — dahilan para 14 beses nang makapagtala ang lungsod ng zero crime.

Heto nga, nitong Linggo, 4 Marso 2019, hindi lang ordinaryong drug pusher group ang nabuwag ng QCPD Anonas Station (PS9) na pinamumunuan ni P/Supt. Cipriano Galanida, kung hindi sindikato ito na pinatatakbo ng isang pamilya.

Katunayan, ang grupong nabuwag ay makikitang handang makipagpatayan sa mga operatiba kung kinakailangan ngunit dahil nabulaga sila ng tropa ni Galanida, parang mga basang sisiw nang maaresto ang mga suspek na sina Arturo de Leon, Felix de Leon,  Bon Archie de Leon, Richard Samson, Herbert Valdez, at Guilliver Resureccion.

Ba’t natin nasabing bigtime ang sindikato o handang makipagpatayan. Armado kasi ang grupo ng matataas na kalibre ng baril. Mayroon pa nga rin silang AK-47 na panakot. Lamang isang replika ang nasabing baril.

Bukod sa ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Agustin Ubilas laban sa mga suspek, armado pa ng search warrant ang tropa  nang salakayin ang “kuta” ng mga suspek sa Alley 10, Brgy. Pansol, QC. Nakuha sa mga suspek ang malaking halaga ng shabu.

Ayon kay Galanida, ang grupong De Leon, ang responsable sa pagkakalat ng droga sa buong barangay. Bukod sa naghahari-harian pa sila sa lugar…gamit ang mga baril sa pananakot sa mga mamamayan ng barangay.

Ang pagkakabuwag ng grupong De Leon ay ikinatutuwa ng mga residente sa lugar maging ni Pansol Chairman Joseph Mahusay.

Nawala ba naman ang responsable sa pagkakalat ng droga sa lugar ninyo, aba’y napakalaking bagay nito.

Ngayon, iyan ang isa sa sekreto ng QCPD – ang walang humpay na kampanya laban sa kriminalidad partikular ang ilegal na droga dahilan para bumaba ang krimen sa lungsod ay higit sa lahat, makapagtala ng zero crime.

P/Lt. Col. Galanida, P/Capt. Ubilas, sampu ng inyong mga tauhan, isang napakalaking tulong sa mamamayan ng Pansol ang inyong matagumpay na operasyon.

Congrats po sa inyong lahat!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *