Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Anti-illegal drug ops ng PNP pinepera-pera na lang ba talaga?

SINIBAK sa puwesto ni National Capital Regional  Office (NCRPO) chief, P/Major General Guillermo Eleazar ang buong puwersa ng Pasay City Police Drug Enforcement Unit (PCP, DDEU) at Eastern Police District (EPD) kabilang ang kanilang director at hepe matapos mahuli ang ilan sa kanilang miyembro sa pangongotong nang maaresto sa magkahiwalay na entrapment operations nitong Martes.

Kaya mabilis ang utos ni PNP chief. P/General Oscar Albayalde, agad sinibak sa puwesto ni Eleazar sina P/Brigadier General Barnabe Balba, director ng  EPD; P/Colonel Noel Flores, hepe ng Pasay City Police; 15 pulis na nakatalaga sa Pasay City  Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at 27 pang police na katalaga sa iba’t ibang departamento.

Ini-relieve sa puwesto si Flores, hepe ng Pasay police at 15 tauhan ng SDEU dahil sa pagkakaaresto sa isa nilang miyembro na si Corporal Anawar Nasser, na sinabing nangingikil ng P.1 milyon mula sa isang drug suspect.

Unang nadakip ng mga miyembro ng Pasay-SDEU ang suspek na si George Revilla, nitong Martes ng hapon at hiningian daw ng kuwarta ang live-in partner nito kapalit ng kalayaan.

Nagreklamo at nagsumbong ang babaeng kinakasama ni Revilla sa Counter Intelligence Task Force (CITF) ng PNP na nagsagawa agad ng entrapment operation laban sa Pasay-SDEU.

Bitbit ang marked money, pumunta ang babae sa nabanggit na tanggapan pero kinapkapan siya ng grupo at nadiskubre ang kanyang dala.

Kinuha nila ang cellphone ng babae kaya hindi nakapagbigay ng senyales sa mga operatiba ng CITF dahilan para makatakas, pero nadakip naman si Nasser.

Sinibak din sa puwesto si Balba, matapos mahuli sa entrapment operation sa kasong “robbery extortion” ang isang tauhan niya na kabilang sa 44 pulis na sinibak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde.

Tsk tsk tsk…

Mukhang ‘yang mahigpit na kampanya sa ilegal na droga ay naging daan upang maging pera-pera ang operasyon.

Akala natin noong una dahil, maliit ang suweldo ng mga pulis kaya sila natutuksong pumasok sa ganyang mga raket at ilegal na gawain.

Hindi pala.

Ngayon na itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang sahod ganoon pa rin ang gawain ng mga corrupt na pulis.

Aba, e talagang talamak na sa kawalang­hiyaan!

Gusto tuloy natin maniwala na, matindi umano ang ‘quota’ ng lespu kaya panay ang ariba sa anti-illegal drug operations.

‘Yung walang pag-areglo, sorry na lang, tiyak na titimbuwang sa kalsada.   

Sumakit nang husto ang ulo nina generals Albayalde and Eleazar.

Kaya nakikiusap sila sa publiko, huwag matakot isumbong ang mga kotongerong lespu.

Wattafak!

Generals Albayalde & Eleazar, mga Sir, palagay natin ay matinding kampanya naman laban sa mga kotongerong pulis ang dapat na ilunsad.

Umpisahan na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *