Wednesday , December 25 2024

Manila Parks Development Office inutil?

AYON sa misyon ng Manila–Parks Development Office, “…is to implement and carry out development and improvement plans of parks and plazas, tree planting activities, cleanliness and beautification of center islands and side streets pertaining to socio-environmental services,” at idagdag pa ang bisyon nitong, “To serve as the City’s show-window of development through cleanliness, greening, improvement and beautification, providing an environment-friendly ecosystem for Manila.”

Wow, ang sarap pakinggan, ang sarap bigkasin! Pwee!

Paano ka naman hindi mapapapwwee mga ‘igan, sus ginoo, ayon sa report ng aking pipit-na-malupit na nagpapaikot-ikot sa kalakhang Maynila, aba’y sobra na yatang  nababoy at napabayaan ang lungsod ng Maynila, dahil umano sa kapabayaan ng mga tao, sampu ng mga namumuno  ng nasabing tanggapan. Kung may katotohanan ang pahayag na ito ng aking pipit-na-malupit, hindi kaya sadyang inutil na ngang talaga ang tanggapang ‘yan?

Hindi binibigyang pansin, ngunit grabe na mga ‘igan ang kababuyang makikita ngayon sa kapaligiran ng lungsod ng Maynila. Tuluyan nang pinabayaan!

Tama ka ‘igan! Kung ating susundan ang paglipad-lipad ng aking pipit-na-malupit, at kung manggagaling ka sa Monumento papasok ng Maynila iyong mababanaagan ang sangkaterbang basura, lalo na sa sinasabi nilang ‘center islands’ sus ginoo!

Lumipad naman tayo sa Barrio Obrero hanggang Avenida Rizal, aba’y ganoon din kababoy at mapapamura kang talaga mga ‘igan.

Naku, lalo na kung mangagaling ka sa parteng Pasay at babaybayin ang Roxas Boulevard hanggang Bonifacio Drive, sus, anak-ng-tipaklong-na-duling mga ‘igan, aba’y bukod sa ginawang hotel ng mga hinayupak na adik sa rugby, akalain n’yong nilagyan pa ng ‘vendors’ ang ‘center islands’ partikular ang Bonifacio Drive!

Paano at anong klaseng sistema ba ang ginagamit sa pagsasakatuparan ng ipinag­mamalaking mission and vision ng  Manila Parks Development Office. Na-achieved ba? Sus, isang malaking ‘X’ ‘yan mga ‘igan kung hindi magbubulagbulagan sa katotohanan!

Mahirap mang magkompara, pero kung ihahambing sa karugtong nitong Caloocan City, aba’y ‘di hamak na malinis ito kahit walang tanim na halaman ang mga center islands nito. Pero teka, idagdag mo pa itong mga plaza ng Maynila, tulad ng Plaza Lawton, Plaza Morga sa Tondo, Plaza Moriones at marami pang iba, aba’y kay babaho at kay rurumi na’y pinamumugaran pa ng vendors at ng mga tambay…ay naku mga ‘gan!

Kaya naman, paging…Mayor ‘Erap’ Estrada, Sir, baka wala ka pong pondo ‘este boto na makuha sa mga Manileño dahil sa kapabayaan at katarantaduhang ginagawa ng inyong mga alipores. At huwag makalilimot na mahigit sa 2,000 ang lamang sa kalaban noong nakaraang eleksiyon, na ayon sa aking pipit-na-malupit, pilit na hinugot sa tadyang ni Adan ang pagkapanalo he he he.

Nawa’y mapaimbestigahan ang katiwaliang nagaganap sa nasabing tanggapan (PDO). At teka, nasaan na nga ba ang budget para sa development at sa improvement plans ng parks at mga plaza, para sa tree planting activities, para sa cleanliness at beautification ng center islands at side streets?

Nasaan sila, silang mga taong dapat managot kung may kurakot? Oras na upang tuldukan ang maliligayang araw ni Mr. Luc-ky Juan!

 

NO RELOCATION NO DEMOLITION — KA DIGONG

WALANG tigil mga ‘igan ang umano’y pangha-harass ng mga tauhan ng Manotok Realty Inc., na pinangungunahan ng isang alyas Alice. Mantakin n’yong todo-todong pananakot ang natatanggap ng mga tenants sa Brgy. 184 at 186, Zone 16, Tondo, Manila, mapa­talsik lamang sila sa nasabing lugar!

Ang matindi pa rito, ang dapat na kakampi na si Brgy. 186 Chairman Rene Itlog ‘este Maslog at ang Pangulo ng Home­owners Asso­ciation ng nasabing Barangay ay na­wa­wala tuwing may eksenang nagaganap!

Ang siste mga ‘igan, aba’y umaa­rangkadang walang papel o court order na ipinakikita sa tao upang maging legal ang proseso ng kanilang ‘demolition’ activity. Sus, ‘di tama itong ginagawa ng mga animal! Kanino humuhugot ng tapang ang mga tarantado? Kay Itlog ‘este Maslog ba?

Kung ganoon nga’y magkanong halaga kaya ang usapin dito mga ‘igan? Aba’y kung may kabalastugang nagaganap…isumbong kay Ka Digong upang maisampal at maipaintindi sa kanila ang ‘No Relocation, No Demolition’ na ipinatutupad ng administrasyong Duterte.

Abangan ang tunay na City Ordinance ng City of Manila hingil sa usaping demolition.

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *