Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Diplomang Princeton ba o UP Diliman ang rekesitos sa Senado?!

KAKATWA na nagiging malaking isyu ngayon ang tungkol sa ‘diploma’ ni dating Gov. Imee Marcos.

Hanggang ngayon yata ay hindi nawawala sa social media ang mga ‘meme’ na hindi umano totoong nakatapos sa kanyang pag-aral sa UP College of Law at sa Princeton University sa New Jersey USA si Gov. Imee.

‘Yung ganitong pagpapalutang ng isyu, halatang ‘propaganda’ na ang layunin ay pag-usapan ang isang tao sa negatibo o positibong paraan.

Pero sabi nga, sa politika, good or bad publicity is publicity pa rin. Kaya ibig sabihin nakatutulong pa rin ito sa pagpapatampok sa subject person.

Isa pang punto, bakit ba pinagdidiinan ang diploma? Rekesitos ba sa pagtakbo ang diploma?!

Hindi naman ‘di ba?!

Bakit hindi isalang si Gov. Imee sa isyung may nagawa ba siya o wala sa kanyang lalawigan?!

Maasahan ba siyang senadora kung sakali?! Ano ang mga panukala na balak niyang isalang sa Senado kung sakaling siya’y mananalo?!

Dapat ganoon ang pinag-uusapan.

Hindi ‘yung halata namang ginagamit na propaganda ang isyu.

Sino man ang gumawa niyan, masasabi nating mahinang klase.

Sina Lito Lapid at Manny Pacquiao, umabot ba sila sa mataas na antas ng pag-aaral?! Hinanapan ba sila ng diploma ng mga bumoto sa kanila?!

Alam naman nating hindi, kaya puwede ba, magtuon sa totoong isyu na kapupulutan ng aral ng ibang botante lalo ng mga kabataang botante, huwag ‘yung mga isyung wala namang kaisyu-isyu.

Malayo pa ang halalan, mahaba pa ang panahon para timbang-timbangin ang inyong mga boto…

Ayos ba mga suki?!

Luma man ang kasabihang “vote wisely” pero sa totoo lang, mahalaga ang ganitong klase ng paalala.

Huwag pong kalilimutan!

         

HAZARD PAY
PARA SA DepEd
MEDICAL OFFICER
NAWAWALA?

ILANG reklamo ang ipinaabot sa inyong lingkod hinggil sa isyu ng tila nawawalang hazard pay ng mga medical officer at nurse sa Department of Education (DepEd)  sa Tayabas, Quezon

Ang hinahanap nilang hazard pay ay ‘yung para sa 2018.

Ang rason daw ay dahil hindi sila considered as public health workers. ‘Yan ay kahit may DOH certificate na sila ay entitled sa ilalim ng Magna Carta.

Pakiamoy-amoy na nga ng isyung ito, Secretary Leonor Briones, mukhang may kakaibang kaganapan sa DepEd Tayabas.

Sabi ng isang taga-Philhealth na nakausap natin, sila ay nakatatanggap ng hazard pay kaya dapat lang na ipagkaloob sa mga nurse at medical officer ng DepEd ang para sa kanila.

Again, paging Secretary Briones!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *