Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Cayetano walang uurungan

IPINAHAYAG ng partidong PDP-Laban na muling sasabak sa bilang Speaker ng House of Representatives ang kinatawan ng Unang Distrito ng Davao del Norte na si Congressman Panteleon Alvarez.

Sa isang panayam kay dating Deparment of Foreign Affairs Secretary na si Alan Peter Cayetano, nilinaw niyang hindi siya nababahala o natitinag sa mga pahayag ng grupo ng PDP-Laban.

Kilala si Cayetano na hindi umuurong sa laban lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng mas nakararaming Filipino. Ilang beses niyang nilabanan ang katiwalian sa pamahalaan kahit malalaking politiko pa ang sangkot dito.

Dahil sa husay at katapatan bilang lingkod bayan, mismong si Pangulong Duterte ay bilib kay dating DFA Secretary Cayetano.

Matatandaang noong isang taon nagbigay ng basbas si Pangulong Rodrigo Duterte kay Cayetano at sinabi niyang siguradong magiging magaling na House Speaker si Cayetano.

Tulad ng pagtatanggol niya sa mga OFW at paglutas sa mga problema sa passport appointments noong DFA Secretary pa siya, naniniwala ang Pangulo na magagawa niya rin nang kasing husay ang trabaho bilang Speaker.

Nagbitiw si Cayetano sa DFA noong Oktubre 2018 dahil gusto ni Pangulong Duterte na tulungan siya ni Cayetano sa Kongreso upang masiguradong maipapasa ang mga importanteng  batas na magdudulot ng reporma sa bansa.

Matapos ang masinsinang pag-uusap, agad nagpahayag ng suporta ang Pangulo sa kanyang pagbabalik sa Kongreso.

Tulad noong unang itinalaga si Cayetano bilang DFA Secretary, may mahalagang misyon din ngayon si Cayetano sa kanyang muling pagtakbo sa Kongreso bilang Kinatawan ng Taguig-Pateros na itinakda ng Pangulo.

Hindi naman ito nakapagtataka. Bukod sa pagiging dating katambal ng Pangulo noong nakaraang eleksiyon, naipakita na rin ni Cayetano ang kanyang husay sa pagiging mambabatas sa loob nang maraming taon.

Simula pa noong 2015, nanindigan si Cayetano na hanggang sa dulo ng termino ng pangulo ay tututok siya sa pagtulong at pagsuporta kay Pangulong Duterte.

Sa kabilang banda, tumugon si Mayor Sara sa mga usap-usapang susubok ulit si Congressman Pantaleon Alvarez na masungkit ang Speakership. Iginiit ng anak ng Pangulo na  dapat ay pumili ng “best of the best” ang partido para sa House Speaker.

Upang mas maging makabuluhan ang kanilang pagpili ng pinuno ng House of Representatives kailangan suriing mabuti ang katangian, pag-uugali  at kabuuan ng pagkatao (Character) ng bawat “Speaker Aspirant.”

Ayon kay Mayor Sara, “dapat paikliin ang listahan dahil masyadong mahaba at hindi na dapat suportahan ang naging Speaker na pero hindi naman naging matagumpay sa kanyang tungkulin.

Kabilang si dating Kalihim ng DFA na si Alan Peter Cayetano sa mga nabanggit ni Mayor Sara na malakas na contenders sa pagiging Speaker.

Ang taongbayan ay maaring humusga kung sino ang “pinakasubok at maasahan” sa mga kasalukuyang nagpapahiwatig ng pagiging Speaker.

BONG GO HINDI
PO KAYO KALBO
‘WAG KAYONG
MAGPAKENGKOY

KUNG sino man ang nang-uurot at nag-a-advice kay dating SAP Bong Go na magpakeng­koy sa kanyang pangangampanya, e dapat na siyang ipagpag ng tumatakbong senador.

Simple lang ang rason, kangkungan ang kababagsakan ni Bong Go sa estilong pag­papakengkoy.

Hindi ninyo kailangan magpatawa, former SAP dahil ang pinag-uusapan dito ay ‘yung track record mo bilang dating Gabinete ng Duterte administration.

Ang ganda na ng showing ninyo.

Pumasok na kayo sa target na top 12.

Huwag na ninyong gayahin si Imee na masyadong trying hard. Kumanta pa ‘e sablay naman.

Hindi po ninyo kailangan maging kengkoy sa harap ng publiko pero pilit na pilit naman.

Tinanggap ka nga ng publiko na ‘pamban­sang fotobam’ at ‘pambansang selfie’ ‘di ba? Kaya huwag ka nang magpakengkoy.

Ang dapat malaman ng tao, kung ano na ang mga nagawa mo at mga bagong gagawin sa Senado.

‘Yun lang po, pasok na pasok na kayo.

Kaya kung sino ‘yang ‘sulsultant’ na urot nang urot sa iyo ‘e dapat mo nang ipagpag…

Baka imbes magtuloy-tuloy ang iyong suwerte ‘e malasin ka pa.

Ingat lang po former SAP Bong Go at baka banggain ka ng malas sa mga urot nang urot sa iyo.

Good luck po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *