Monday , May 12 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Eskoba raid’ sa BI warden’s facility?

INUULAN daw ng reklamo ngayon mula sa foreign detainees diyan sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility sa Bicutan ang tila “Gestapo-raid” na isinagawa sa kanila ng pinagsanib na puwersa ng PNP at BI Civil Security Unit noong 22 Enero 2019 ganap na 5:30 ng hapon.

Mistulang hulidap daw ang nangyari dahil ineskoba ng joint task force ang celfones, tablet at laptop ng inmates pati kahuli-hulihang pera ng mga kaawa-awang bilanggo?!

Wattafak!?

Hindi lang natin alam kung ano ang totoo pero sinabi raw ng eskoba ‘este task force na kautusan daw mismo ni BI Commissioner Jaime Morente ang nangyaring raid sa kulungan ng mga dayuhan.

Raid na maaaring totoo pero ang limasin ang gamit pati pera ay malamang, ;yan ang malabo sa atin!

Anak ng eskoba, talaga o!!

I don’t think na ipag-uutos mismo ni Comm. Morente ang ganyang klaseng trabaho!

Ang siste, may pinanghahawakang resibo mula sa BI Warden ang mga banyagang inmates na patunay na may permiso at alam ng mga opisyal sa BI detention cell ang pagtataglay ng celfones ng mga bilanggo.

Sabi nga “legit’ ang paggamit nila ng mga telepono sa loob.

Totoo ba ito, Warden Dato?

Ang mga naturang celfones daw ay ginagamit ng foreign inmates para pantawag sa kanilang embahada habang dinidinig ang kanilang mga kaso.

Matapos daw na makompiska ng naturang joint task force ang kanilang mga kinulimbat ay wala na raw nangyaring imbentaryo at sa halip ay naglayasan na ang mga ito.

Susmaryosep!

Task force kulimbat pala hindi task force raiding team ang mga nagpunta riyan sa BI detention cell?

Sa ngayon ay humihingi raw ng tulong ang mga dayuhang preso kay DOJ Secretary Menardo Guevarra para hindi na muling maulit ang ginawa sa kanila.

Kay saklap naman pala ang sinapit ng nasabing foreign detainees. Dati-rati ay pinatutubos lang ang mga nasamsam sa kanila, ngayon naman ay talagang ‘ineskoba’ na?!

At hindi lang guwardiya ang nakapapasok sa kulungan kundi mga lehitimong ‘tulisan’ pala?!

Wow dyakpat!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *