NAKATANGGAP tayo ng kopya ng liham ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica para sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na humihiling na imbestigahan ang reklamo ng mga negosyante hinggil sa ‘tara system’ na umiiral sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng dalawang lungsod sa Metro Manila.
Batay sa mga ipinakitang dokumento ng mga nagrereklamong negosyante naniniwala si Commissioner Belgica na mayroong iregularidad na nagaganap sa BPLO ng dalawang siyudad sa Metro Manila.
Dahil dito, hiniling ni Commissioner Belgica kay DILG Secretary Eduardo Año na imbestigahan ang nasabing mga iregularidad sa ilalim ng kanyang tanggapan.
Sa ngalan ng commitment ni Pangulong Rodrigo Duterte sa good governance, transparency and immediate action sa mga isyung labis na nakaaapekto sa ating mga kababayan, naniniwala ang PACC na mayroong dahilan para busisiin ang umiiral na ‘tara system’ sa BPLO ng dalawang siyudad sa Metro Manila.
Pero mukhang mabilis makaiwas sa gusot ang isang lungsod na tinutukoy natin.
Mula sa Sterling Insurance pinalitan ang insurance sa loob ng BPLO kaya ang makikita ngayon doon ay Bethel Insurance naman.
Pero ayon mismo sa ibang insurance company under Sterling din ‘yun. Nagkaroon daw ng merging ang dalawang kompanya.
Bukod sa Bethel, nakipag-merge din umano ang Stronghold Insurance at Milestone sa Sterling.
By the way, sa Caloocan City, manual na lang umano at wala nang verification form na ibinibigay. Pero kinukuha pa rin ang 60% kapag mayroong nag-isyu.
Halos dalawang linggo na umano itong ginagawa ng Caloocan BPLO.
Ang ibig sabihin ba niyan ay medyo lay low ang ‘tara’ system sa Caloocan BPLO?!
Dahil na-hit na ba P100 milyones?!
Let’s wait and see, mga suki!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap