BAGONG ‘insurance scheme’ pa lang ang Comprehensive General Liability (CGL) first sa renewal ng business permit sa Caloocan City pero napakahenyo ng nakaiisp nito dahil naidisenyo nila agad kung paano ito magiging sistematiko.
Kaya kahit tutol ang maraming insurance agents sa sistemang kailangan muna nilang magpa-authenticate sa Sterling Insurance, wala silang nagawa kundi makilahok sa nasabing ‘tara scheme’ dahil kung hindi, malamang na mawalan pa sila ng hanapbuhay.
At dahil pumasok sila sa nasabing scheme, kailangan nilang sumunod sa ‘PASA-LOAD’ system.
Paano itong LOAD system na ito?!
Ang isang insurance agency o agent, bago iaprub ng Sterling Insurance, ay kailangan maglo-load o magpondo muna ng hindi bababa sa P1 milyon.
Sa pamamagitan ng P1-M load, sigurado nang pasok ang ‘60% tara’ sa mga kinauukulan.
At kapag paubos na ang load ay aabisohan agad na mag-load ulit para sa continuous processing ng renewal ng mga insurance business permits.
Sonabagan!
Paano naman kino-compute ang ‘60% tara?’
Halimbawa, kung ang premium ng insurance ay P10,000, matik na ‘yung P6,000 ay ‘tara’ para sa mga pinagpalang kinauukulan.
Ang sabi nga ng insurance agents, mabuti nga raw at hindi sa gross kinuha ang ‘tara’ kundi roon sa net(o) o basic premium.
Pero kahit sa neto kinuha ang tara, limpak-limpak pa rin ang tiyak na nakolekta ng Sterling at ng ilan tulisan sa Caloocan BPLO o kung sino man ‘yung sinasabi nilang kinauukulan.
Kaya noong Enero, sa panahon na nag-renew ng business permits ang mga establishment, tiyak na limpak-limpak na pera ang pumasok sa ‘tara’ ng sinasabi nilang ‘kinauukulan.’
Mantakin ninyo kung ang insurance premium ay P500,000?! Magkano ang papasok na ‘60% tara?’
Malakas ang higing na nakalikom ng mahigit P100 milyones ang mga ‘kinauukulan’ na nagsasabing panggastos daw sa kampanya.
Huwat?! Panggastos sa kampanya!?
E wala namang kalaban si Mayor Oca Malapitan, para saan ang panggastos?
Alam kaya ni Mayor Oca ang ‘tara-raket’ na ‘yan?!
Aray Mayor, hindi kaya, may bukol ka na riyan sa ulo?!
At kung hindi alam ni Yorme Oca ‘yan ay malamang diyan pa siya sumabit?!
Heto pa, napakapinagpala naman nitong Sterling Insurance.
Alam ba ninyong, dalawang hi-tech na computer desktop lang ang gamit ng Sterling sa kanilang operation diyan sa Caloocan city hall?!
At ang nagtatrabaho pa raw rito ay mga on-the-job trainees ng Sterling at ng Caloo0can City.
Wattahek!?
Anyway, sabi nga, hindi lahat ng araw ay piyesta. Mayroon din El Niño at La Niña. Kaya malamang, bilang na ang araw ng kaligayahan ng mga nakikinabang sa CGL-first at authentication-first ‘tara system’ na ‘yan.
FYI Mayor Oca, balita namin ay may mga umalma na at nagreklamong insurance agents laban sa ‘60% tara’ abusado.
Abangan ninyo ang kasunod mga suki!
NANANAWAGAN KAY CHIEF PNP
Paging GEN.ALBAYALDE pls. po pakitulungan naman ang mga mamamayan sa Marilao, Bulacan lalo na sa Northville 4a. Laganap na po kc ang bentahan ng shabu, kaawa-awa ang mga batang biktima. Pls po salamat po. Pls. ‘eag pong i-publish ang number q. Tnx and God bless po.
+63907099 – – – –
HINAING NG SENIOR CITIZEN SA PSA
JERRY YAP, paki-bulabugin ang Philippine Statistic Authority (PSA). Bakit hindi nila honored SPA special power of attorney 2 secure any certification from them. Usap ko mga official nila un lang simpleng authorization tanggap nila. Senior citizen na ako. Kalayo-layo ng pila ko tapos sa cashier hindi honored SPA ko. Umuwi akong luhaan at pagod tanx n gud day God Bless po.
+63947526 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap