Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Caloocan BPLO may bagong ‘insurance 60% tara policy’ sa business applicants?

NAGULAT ang mga taga-Caloocan City na nag-a-apply ng kanilang business permits dahil may biglang bagong ‘insurance policy’ ang Business Permits and Licensing Office (BPLO).

Inire-require umano ng BPLO na ang bawat applicants na may insurance na Comprehensive General Liability (CGL) ay dadaan muna sa Sterling insurance for authentication kuno?!

Wattafak!?

Itong pagkuha raw ng authentication sa Sterling Insurance ang first step ngayon para sa renewal ng business permit sa Caloocan City.

Ibig sabihin, ito ngayon ang basic requirement ng BPLO.

Anak ng tungaw!

Bagamat nagtataka ang mga negosyante at insurance agents kung bakit nagkaroon ng ganitong tara ‘este policy, e wala naman silang magagawa dahil mas mahihirapan sila kung hindi maiisyuhan ng bagong business permit.

Nagtataka sila dahil hindi naman daw ganito sa Quezon City, sa Maynila, sa Mandaluyong, sa Parañaque at sa iba pang siyudad sa Metro Manila maliban sa Makati City.

Yes, it sounds familiar, dahil ang scheme na ito ay ginagawa ng Makati (na naisulat na rin natin, two years ago).

Ayon sa ilang group of Caloocan City businessmen, hindi nila maiwasang mag-isip nang hindi maganda dahil nagkataon na isinasabay ito sa panahon ng eleksiyon.

Ang usap-usapan nga raw sa Caloocan City, ang kikitain sa kung tawagin nila ay ‘money making scheme’ ay P.1 bilyong campaign fund?!

Naku ha, alam kaya ni Mayor Oca Malapitan ‘yan?

E paano naman malilikom itong P.1 bilyong campaign fund?

‘Yan po ang tanong natin sa impormante.

Sabi ng informant sa 100% na CGL payment, 40% lang dito ang may resibo at ang 60% ay tara o ‘centralized’ at hindi kasama sa resibo.

Pakiklaro lang po BPLO Caloocan!

‘Yung 60% umano ang napupunta sa mga ‘kinauukulan.’

‘Yun din kayang 60% na ‘yun ang pagmumulan ng pondo para sa kampanya?!

Sino kaya ang ‘matapang’ na taga-BPLO Caloocan ang sasagot sa tanong nating ito?!

Pakisagot na nga po nang malinawan naman ang mga nagtatanong na mamamayan ng Caloocan!

‘CGL INSURANCE’
MUST BE AUTHENTICATED
BY STERLING INSURANCE?
(Sterling na naman?!)

But wait there’s more…

Puwede naman daw kumuha ng Compre­hensive General Liability (CGL) sa kahit anong insurance company — pero…may malaking pero…

Pero, kailangan na authenticated muna sila ng Sterling Insurance.

O ‘di ba, sounds familiar, gaya rin ito sa Makati City.

Kaya muli nating itatanong, bakit isang private insurance company ang kailangan mag-authenticate sa isa pang private insurance company?!

At bakit kailangan pa nilang magpa-authenticate sa Sterling kung rehistrado naman sila sa Securities and Exchage Commission (SEC)?

At bakit nga Sterling ang mag-o-authenticate sa iba pang insurance company? Paulit-ulit ‘di ba?

Bakit hindi authentication ng Insurance Commission ang hinihinging rekesitos ng BPLO?

Anong ‘super powers’ mayroon ang Sterling, para mag-authenticate ng iba pang insurance company na pagkukuhaan ng CGL ng mga businesses na nagpapa-renew ng lisensiya sa Caloocan City?!

Mayroon bang ‘lihim ng Guadalupe’ o Pandora’s box sa likod ng authentication ng Sterling Insurance?!

‘Yan po ang abangan natin, mga suki, sa mga susunod na araw.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *