NAGPASALAMAT si Deputy Speaker Pia Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda niya sa Expanded Maternity Leave Act na nagpalawig sa araw ng ”paid maternity leave” ng mga nanay mula sa kasalukuyang 60 araw hanggang 105 araw.
“Ang mas mahabang araw ng maternity leave ay makapagbibigay ng panahon para mga nanay na magpagaling pagkatapos manganak at maalagaan ang kanilang bagong sanggol,” ani Cayetano.
Simula noong 16th Congress ay ipinaglaban na ni Congresswoman Pia ang panukalang pahabain ang maternity leave ng mga kababaihang nagtatrabaho.
Nagpasalamat ang kinatawan ng Taguig kay Pangulong Duterte sa pakikinig sa kanyang posisyon ukol sa pangangailangan ng batas para sa mga kababaihang nagtatrabaho, at maging sa pagsuporta sa kanyang mungkahi. Sinabi mismo ng Pangulo noong inendoso niya si Cayetano sa rally ng PDP-Laban sa Bulacan nitong huling linggo na handa siyang makinig sa mungkahi ng babaeng mambabatas pagdating sa pagtugon sa mga problema ng bansa.
“Ang panukala tungkol sa maternity leave ay tila isang sanggol na hinintay kong maipanganak. Sa mahabang panahon, simula pa noong nasa Senado pa ako, talagang pinagsikapan ko ang pagpasa ng panukalang-batas na ito,” paglilinaw ni Cayetano.
Matapos ang mahigit dalawang dekada, ngayon lang muli nakapagpasa ng batas na nagdadagdag ng benepisyo sa mga kababaihang nagdadalantao.
Matatandaang ang Republic Act 7322 o “Act Increasing Maternity Benefits in favour of Women Workers in the Private Sector” ay naging batas noong Marso 1992.
Dito unang itinakda ang 60 araw na maternity leave para sa mga nanay na nagtatrabaho.
“Kinikilala ng batas na ito ang dalawang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan: ang pagkakaroon ng mahalagang parte sa ating labor force, at pagiging ina,” paglalahad ni Cayetano.
Ang bagong batas sa maternity leave ay tinuturing na maagang regalo ni Duterte para sa pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan sa Marso 8, lalo na para sa mga “working mother.”
BI SACRED FIELD
‘TONGPATS’ OFFICE
(ATTN: DOJ SEC.
MENARDO GUEVARRA)
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang tanong sa isip ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) kung gaano katotoo ang balita tungkol sa halos P1 bilyong kinita ng tatlong sinibak na opisyal sa BI-SM Aura, BI-SM North Satellite Office at pati na ang dating Technical Assistant ni BI Commissioner Jaime Morente.
By the way, hindi ba talaga natunugan ni BI Comm. Jaime Morente ang raket nila gayong balita na riyan siya madalas nag-oopisina sa SM Aura?
Nagtatanong lang po tayo…
Balita pa nga, na ang isa sa kanila ay nagmamay-ari na raw ng apat na condo units sa Maynila habang ang isa naman ay balitang nagpapagawa na raw ng kanyang “dream house” sa Ayala Alabang!?
Wattafak!?
Matapos i-expose ng isa nating katoto sa media, nagawa niyang idetalye ang eksaktong “computation” kung paano minaniobra ng mga sangkot na opisyal ang libong transaksiyon ng Special Working Permits (SWP).
Maging tayo ay namangha sa laki ng nabanggit na “figures” dahil kung tutuusin nga naman, ang halaga ng isang SWP application ay hindi pa aabot sa P10,000.
Pero kung lalagyan nga naman ng ‘lagay’ para ito ay ma-expedite kahit baluktot ang dokumento, hindi nga imposible na umabot sa daang milyon kada buwan ang magiging kolektong ‘este koleksiyon ng nasabing “work permits!”
Hindi lang ‘yan!
Ayon din sa nasabing ulat, ilang abogado ng ahensiya ang nagpatunay na sangkot nga ang mga naturang opisyal sa naturang ‘raket!’
Sonabagan!
Maituturing na isang malaking sindikato ang nangyaring operasyon at sa ating palagay ay hindi lang ang tatlo ang maaaring sangkot dito.
Maging ang mga tauhan ng nasabing tatlong ‘bugok’ ay matataguriang “accomplices” o sangkot sa nabanggit na raket.
Tama ba ako Madame Jenny Seneca?
Kung magtutuloy-tuloy ang gagawing imbestigasyon ng senado o maging ng mababang kapulungan sa nasabing bigtime ‘boplaks,’ hindi malayo na ma-shoot sa kasong Plunder ang puwedeng isampa laban sa kanila.
By the way, ano itong narinig natin na hindi lang daw sa SM Aura at SM North naging talamak ang ‘tong-pats’ sa SWPs?
Ganoon din daw ang isang sangay ng BI riyan sa opisina sa south Metro Manila ay naging talamak ang ‘tongpats’ ng SWP!?
Ang siste, tila tinaguriang ‘BI-Sacred’ field office ang nasabing opisina dahil ang ACO o hepe rito ay ‘untouchable’ at ‘pinsan’ ng isa sa tatlong sangkot sa nasibak na billion-peso SWP syndicate?
SOJ Menardo Guevarra, in-case po na may magtanong kung sino siya, willing naman po tayong sumagot!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap