Tuesday , November 26 2024
NASA larawan sina (mula sa kaliwa) Dr. Carmencita Padilla, Chancellor, UP Manila; Dr. Jorge Ignacio, Chair, Cancer Institute; Dr. Gerardo Legaspi, Director, Philippine General Hospital; Veronica Cabalinan, Country Head, The Walt Disney Company - Philippines; Yoly Crisanto, Senior Vice President, Corporate Communications and Chief Sustainability Officer, Globe Telecom; Rossy Anne Yabut Rojales, Creative Director, Hurray Interior Design Group; at, Dr. Lorna Abad, Chair, PGH Department of Pediatrics.

Globe, partner nagkaloob ng P1.4-M donasyon (Sa PGH Pediatric Hematology-Oncology Clinic rehab)

NOONG 2016 ay napag­tanto ng mga doktor sa Philippine General Hospital (PGH) at ng PGH Medical Foundation Inc., na kailangan ng inobasyon ang Hematology – Oncology Clinic sa Cancer Institute. Bagama’t ang PGH ay kinikilala bilang ospital ng national uni­versity, ang mga pasili­dad nito ay hindi kaaya-aya para sa gamutan.

“When I came in 2013, the clinic was in disarray – sira-sira ‘yung sahig ng clinic (the clinic’s floor was dilapidated) at marumi siya (it was dirty),” pagkukuwento ni Dr. Ana Patricia Alcasabas ng PGH Cancer Institute at ang  section head ng Pediatric Hematology-Oncology.

“After visiting other hospitals, even here in the Philippines, I saw the need to renovate our out-patient clinic. However, it seemed impossible as we did not have any budget for this.”

Ayon kay Dr. Alcasa­bas, may 400 bata na may cancer ang bumibisita sa  out-patient clinic kada buwan. Ang most com­mon diagnosis ay leuke­mia, brain tumors, eye cancer at bone cancer. Sa nasabing bilang, 300 bata ang kinakailangan sumailalim sa procedures tulad ng IV chemotherapy, bone marrow aspirations at lumbar taps sa klinika.

“Natatakot ang mga bata ‘pag pumupunta sila rito, kasi tutusukan sila sa likod (the children are scared when they come to the clinic because of the injections). We wanted a clinic environment that promotes wellbeing and positive energy,” aniya.

Makaraang komun­sulta sa PGH Medical Foundation na pinamu­munuan ng presidente nito na si Dr. Telesforo Gana Jr., napagpasiyahan nila na ituloy ang proyekto at humingi ng tulong sa Globe Telecom. Noong panahon na iyon, ang Globe  ay aktibo nang lumalahok sa gift-giving activities ng foundation.

Kasama ang iba’t ibang partners at customers nito, ang Globe ay nakalikom at nag-donate ng P1.4 milyon para sa rehabilitasyon ng Hematology – Oncology Clinic. Ang project concept ay nagsimula noong  December 2016 kaugnay sa Create Courage Star Wars-themed campaign ng kompanya na nagpapa­kita sa resilience ng mga bata sa harap ng adversity at hinimok ang publiko na tumulong sa pagka­kaloob ng donasyon sa pamamagitan ng prepaid load o charges sa kanilang  postpaid bill.

“We are proud to have our partners, employees, and customers step in to participate in this worthwhile undertaking. We hope that through this project, we can all bring hope to the patients at the PGH Pediatric Hema­tology – Oncology clinic,” wika ni Yoly Crisanto, Globe Senior Vice Presi­dent for Corporate Com­munications.

Ang newly renovated clinic ay itinurn-over sa PGH management team kamakailan. Sa turnover ceremonies, ang partners ay pinagkalooban ng certificates of apprecia­tion para sa kanilang mahalagang kontribusyon sa proyekto at binigyan ng atchara (pickled papaya) na inihanda ng mga magulang ng pediatric cancer patients.

Tumulong ang Walt Disney Company – Philippines sa proyekto sa pagbabahagi ng kanilang Star Wars designs at sa pag-iisponsor sa printing ng lahat ng wall sticker artworks. Ang mga disen­yo ay maingat na pinili at ipinasadya ng mga artist mula sa Globe Creatives and Visual Management team para maging angkop ang sa klinika.

“The names of the consultation rooms were also patterned after key Star Wars characters like Rey, Darth Vader, Hans Solo and Princess Leah. There is also a height chart with various characters in it. The designs were made very colorful to serve as ‘happy distractions’ for the children who undergo treatment at the clinic.”

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *