Sunday , December 22 2024

BI sacred field ‘tongpats’ office (Attn: DoJ Sec. Menardo Guevarra)

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang tanong sa isip ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) kung gaano katotoo ang balita tungkol sa halos P1 bilyong kinita ng tatlong sinibak na opisyal sa BI-SM Aura, BI-SM North Satellite Office at pati na ang dating Technical Assistant ni BI Commissioner Jaime Morente.

By the way, hindi ba talaga natunugan ni BI Comm. Jaime Morente ang raket nila gayong balita na riyan siya madalas nag-oopisina sa SM Aura?

Nagtatanong lang po tayo…

Balita pa nga, na ang isa sa kanila ay nagma­may-ari na raw ng apat na condo units sa Maynila habang ang isa naman ay balitang nagpapagawa na raw ng kanyang “dream house” sa Ayala Alabang!?

Wattafak!?

Matapos i-expose ng isa nating katoto sa media, nagawa niyang idetalye ang eksaktong “compu­tation” kung paano minaniobra ng mga sangkot na opisyal ang libong transaksiyon ng Special Working Permits (SWP).

Maging tayo ay namangha sa laki ng nabanggit na “figures” dahil kung tutuusin nga naman, ang halaga ng isang SWP application ay hindi pa aabot sa P10,000.

Pero kung lalagyan nga naman ng ‘lagay’ para ito ay ma-expedite kahit baluktot ang dokumento, hindi nga imposible na umabot sa daang milyon kada buwan ang magiging kolektong ‘este koleksiyon ng nasabing “work permits!”

Hindi lang ‘yan!

Ayon din sa nasabing ulat, ilang abogado ng ahensiya ang nagpatunay na sangkot nga ang mga naturang opisyal sa naturang ‘raket!’

Sonabagan!

Maituturing na isang malaking sindikato ang nangyaring operasyon at sa ating palagay ay hindi lang ang tatlo ang maaaring sangkot dito.

Maging ang mga tauhan ng nasabing tatlong ‘bugok’ ay matataguriang “accomplices” o sangkot sa nabanggit na raket.

Tama ba ako Madame Jenny Seneca?

Kung magtutuloy-tuloy ang gagawing imbestigasyon ng senado o maging ng maba­bang kapulungan sa nasabing bigtime ‘boplaks,’ hindi malayo na ma-shoot sa kasong Plunder ang puwedeng isampa laban sa kanila.

By the way, ano itong narinig natin na hindi lang daw sa SM Aura at SM North naging talamak ang ‘tong-pats’ sa SWPs?

Ganoon din daw ang isang sangay ng BI riyan sa opisina sa south Metro Manila ay naging talamak ang ‘tongpats’ ng SWP!?

Ang siste, tila tinaguriang ‘BI-Sacred’ field office ang nasabing opisina dahil ang ACO o hepe rito ay ‘untouchable’ at ‘pinsan’ ng isa sa tatlong sangkot sa nasibak na billion-peso SWP syndicate?

SOJ Menardo Guevarra, in-case po na may magtanong kung sino siya, willing naman po tayong sumagot!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *