Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Live-in partners, 1 pa timbog sa droga sa Malabon

ARESTADO ang tatlong hinihi­nalang drug personalties kabilang ang live-in partners sa isinaga­wang buy-bust operations ng mga pulis sa Malabon City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rosalia Gipaya alyas Cel,  live-in na si Ronie Borres alyas Agao, kap­wa 41-anyos, pusher, residente sa Salmon St., Caloocan City, at Elizabeth Baruela, 45-anyos  taga-Tumaris St., Brgy. Tugatog.

Ayon sa ulat, dakong 11:50 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Insp. Rolando Domingo ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Tumaris St. Brgy. Tugatog.

Matapos iabot ng mga sus­pek ang isang sachet ng shabu sa isang police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money, agad nagbigay ng signal sa kanyang mga kasa­mahan na mabilis lumusob saka inaresto ang tatlo. Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang pitong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

             (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …