MARAMI ang nangangamba sa hanay ng mga motorista at pasahero dahil sa napipintong pagasasara (dahil gigibain) ng Tandang Sora floyover at intersections.
Hindi lang libong pasahero o motorista ang maapektohan kundi higit pa.
Ang tanong lang natin, handa na ba ang Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and highways (DPWH) at iba pag ahensiya na nakatalaga para ayusin ang alternatibong ruta kapag isinara na ang Tandang Sora?!
Mayroon na bang oryentasyon ang mga motorista at mga pasaherong apektado ng pagsasara?!
Paano ang mga estudyante at mga pangkaraniwang empleyado na nagdaraan sa nasabing lugar?!
Ilang araw na lang, isasara na ‘yan sa Sabado, naihanda na ba ng mga awtoridad ang mga pasahero at motorista?!
Hanggang ngayon po, naghihintay ng alternate route ang mga pasahero at motoristang dumaraan sa lugar na ito.
Anyare?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap