Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Daniel at Kathryn, ‘di totoong hiwalay; magkasama sa pagbabakasyon

SA pagkakaalam ni Karla Estrada, walang susupor­tahang kandidato ang anak niyang si Daniel Padilla maliban sa tatay nitong si Rommel Padilla sa Nueva Ecija.

Sa alam ko wala. At saka kung mayroon man, tatay niya, si Rommel Padilla,” saad ng comedy momshies sa ginanap na Familia Blondina mediacon kahapon sa Racks Restauran.

Inalam namin kung puwedeng sumuporta ang mga artista ng Star Magic sa mga kandudato dahil sa pagkakaalam namin ay may memo na bawal na.

Well, hindi ko alam, baka depende kay Daniel kung gusto niya,” sambit ng ina ng aktor.

May isyung naniningil daw si Daniel ng P1.5M sa bawat akyat nito sa entablado para suportahan ang isang kandidato.

Ay hindi totoo ‘yun!  Walang ganoon.  At saka ang liit naman niyon,” mabilis na sagot ni Karla.

Samantala, klinaro ni Karla na hindi totoong hiwalay o may tampuhan sina Daniel at girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Hindi totoo at masaya sila ngayon.  Actually magkasama sila ngayon kasi humiling si Daniel ng bakasyon sa management na ibigay sa kanya ang buong Pebrero. Kaya nakabakasyon siya, sila ni Kathryn.

Kasi pagdating ng March, may dalawang pelikulang gagawin si Daniel at ‘yun lang ang masasabi ko,” kuwento ng mama ni DJ.

Anyway, excited si Karla dahil mapapanood na ang Familia Blondina sa Pebrerp 27 na ayon sa aktres, “tatawa lang kayo at sinisigurado ko masaya ang pelikula at mag-e-enjoy kayong lahat.”  

Ang Familia Blondina ay idinirehe ni Jerry Sineneng mula sa Arctic Sky at release ng Cinescreen.

Kasama rin sa pelikula sina Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo, Awra Briguela, Kira Balinger, Marco Gallo at Jobert Austria.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …