HAPPY kami for our Superstar Nora Aunor at aside sa produce niyang CD Album for John Rendez sa Star Music na out in the market na, unti-unti na rin daw nakapagse-save sa banko si Ate Guy, bulong ng isang taong malapit sa kanya.
Maganda raw kasi ang talent fee ni Ate Guy sa “Onanay” at kaliwaan ang bayad sa kanya ng GMA kaya bukod sa nakapagse-share siya ng blessing sa maliliit na tao sa production ay may magandang ipon na rin para sa kanyang future at sa mga anak.
Sa magandang condo sa Libis, Quezon City raw nakatira ang superstar na tatanggap ng award sa 50th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation na gaganapin sa March 24.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma