Gustong i-share ni Direk Reyno Oposa ang natutuhan niya sa kursong filmmaking sa Toronto Film School sa RCC Institute of Technology, Toronto Ontario at ang mga baguhan na gustong makilala sa showbiz ang binigyan ng pagkakataon ng kaibigan naming director para sa libreng acting workshop niya last Sunday sa University of the Philippines grounds.
Marami ang attendees at sabay-sabay silang binigyan ng tip ni Direk Reyno sa tamang pag-arte. At ang maganda pa ay majority ng workshopers ay isasama ni Direk, sa dalawang pelikula na “Selda” at “Komadrona” na siya ang director at prodyus ng baguhang film outfit.
Well matagal nang supportive si Direk Reyno sa mga newcomer, sa katunayan marami siyang kinuhang talent para sa indie movies niya na “Agulo: Hinagpis Ng Gabi” at short and advocacy films na “Takipsilim” at “9 Na Buwan.”
Magtatagal pa sa Filipinas si Direk at aside sa kaliwa’t kanang business meeting ay may mga TV and radio interviews siya.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma