Monday , November 25 2024

P226-M relief goods para sa bakwit ng Marawi overpriced

MINANIPULA ng magkakapatid na jail director, congresswoman, at supermarket owner ang P226 milyong relief goods na dapat ipamahagi sa mga bakwit ng Marawi.

Nabisto mismo ni Atty. Berteni Causing ang pagmamanipula ng magkakaanak na nagkataong may impluwensiya at nasa kapangyarihan sa nasabing lungsod sa Mindanao.

Para kay Atty. Causing, ito ay klarong pagnanakaw sa kaban ng bayan at sa karapatan ng mga bakwit na makatanggap ng tamang relief goods na inilaan sa kanila.

Tahasang tinutukoy ni Atty. Causing na ang magkaksabwat rito ay sina Jail Director Taha, congressman Dinand at ang kapatid na isang Ma. Virginia na sinabing nagmamay-ari ng Tacurong Fitmart Mall Inc., na ibinenta ang P318 worth of goods sa overpriced amount na p515.

Sa ngayon ay nahaharap sa kaso sa Ombudsman ang tatlong opisyal.

Katuwiran nila, wala silang ‘ninakaw’ dahil naipamigay nila ang mga relief goods sa bakwit.

Pero simple lang po ang sagot: ang isyu rito ay hindi ‘yung namigay ba sila o hindi ng relief goods kundi ang presyo ng iniulat nilang relief goods (set B box) ay nagkakahalaga ng P515, pero sa aktuwal na presyo ay P318 lamang.

Ibig sabihin mayroong patong na P197 bawat box.

Hindi lang ‘yan may nabiling Turmeric 125 grams si Atty. Causing na mas mura at mas malaki sa 50 grams na ipinamahagi rin aksama ng relief goods.

Dahil maimpluwensiya at makapangya­rihan, sinasabi ng mga nasabing opisyal na naninira lang si Atty. Causing.

Kung sinabi nilang naninira, pinaka­mainam na sagutin na lang nila sa Ombudsman ang kaso at doon nila ipagtanggol ang kanilang sarili.

Ang akusasyon na dapat nilang sagutin ay kinasasangkutan ng P226 milyon pondo ng gobyerno.

Hindi dapat isumbat ng mga nasasangkot na opisyal na tinutulungan nila ang mga bakwit. Angpagbibigay ng ayuda sa kanila ay kanilang tungkulin at doon sila sinusu­weldohan ng pamahalaan.

Nakalulungkot na kung sino pa ‘yung mga kababayan nating higit na nangangailangan ng tulong ay sila pa ang nagagamit at napag­sasa­mantalahan lalao na ‘yung mga nasa malayong probinsiya.

Mabuti na lamang at mayroong isang Atty. Causing na handang ibunyag ang ganitong mga Gawain.

Padayon Toto!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *