Akmang-akma ang venue ng presscon ng “Apple of My Eye,” ang bagong handog ng Dreamscape Entertainment at ni Bela Padilla (co-producer) sa iWant dahil sa tamis ng iba’t ibang flavor ng cup cake sa Vanilla Cupcake sa Kyusi.
Yes, pakikiligin kayo nina Marco Gumabao at Krystal Reyes ngayong Valentine’s day sa kakaibang kwento ng kanilang love story sa Apple of My Eye, na magsisimula na ang streaming ngayong Pebrero 14 sa iWant. Masusubukan ang love team nina Marco at Krystal na first time magsasama dito sa original movie na isinulat ng mahusay na Kapamilya actress na si Bela Padilla.
Sa kanilang presscon, inamin ni Krystal na kinilig siya nang husto sa eksena nila ni Marco lalo na nang makita ang abs ng actor.
Deretsong tanong kay Krystal, kung crush na niya si Marco na pantsya ng mga girls? “Choosy pa po ba ako, haha? ‘Yung pa-abs n’ya, tatanggi po ba tayo sa abs?” tumatawang tugon ni Krystal at dagdag pa ng dalaga, “Actually po may ipinakita po sa akin ‘yung staff (production), picture na pa-abs ni Marco para raw kiligin ako sa eksena.”
Nang si Marco na ang tanungin kung anong reaction niya sa pagkakilig sa kaniya ng kanyang leading lady: “Wow, thank you, ngayon ko lang nalaman ‘yun, ha ha ha!
“First time kong makatrabaho si Krystal, it was fun, pareho kaming mahiyain pero no’ng nagsimula na kaming mag-taping, naging comfortable naman kami,” say ng binata .
E, ‘yung mukhang crush siya ng bagong kapareha? “Hindi naman, hindi lang kasi ako assuming. Baka kasi ‘pag nag-assume ka, baka ikaw pa ‘yung talo, baka isipin makapal pa ‘yung face ko,” naka-smile pang pahayag ng aktor.
Ayon naman kay Bela na sumulat ng script, isang feel good movie itong Apple of My Eye. Sana raw tulad ng dalagang bida sa movie na si Apple (Krystal) ay huwag mawalan ng pag-asa ang lahat sa buhay pag-ibig. Maging sino ka man daw at ano ka man ay puwedeng magmahal. Sa ganda ng script o story ng film ay tiyak na papatok ito sa millenials.
Para naman sa director ng AOME, na si James Robin Mayo, once na mapanood ng mga single riyan ang istorya nina Michael (Marco) at Apple ay baka rito na sila makatagpo ng kanilang mamahalin, why not?
Panoorin ang Apple of My Eye nang libre sa iWant, sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph.
Mas maraming manonood na rin ang makapag-e-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
Ang iWant at Dreamscape Digital ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence at pagdami ng digital properties.
Maaari rin mapanood kahit saan at kahit kailan ng mobile subscribers ang mga palabas at pelikula sa iWant. Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day sa halagang P99, at may kasama 2 GB data pang-surf at dagdag na 1 GB kada-araw para sa isang oras na panonood ng videos na valid sa loob ng pitong araw.
Para sa Globe subscribers naman, maaaring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa GoWATCH. I-text lang ang GOWATCH29 to 8080 para sa 2GB o pataas na data para sa limang orasna panonood sa i-Want at iba pang video apps na valid para sa isang araw. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instag-ram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma