IPINAAPURA ni Senador Aquilino Koko Pimentel III ang pagtatatag ng isang ahensiya na tututok sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).
Tinutukoy ng senador ang paglikha ng Department of OFWs.
Ayon kay Pimentel hindi maikakaila ng gobyerno na sa 11 Pinoy isa rito ay nagtatrabaho sa ibayong dagat para mabigyan nang maayos na buhay ang kanilang mga pamilya.
Aniya, dapat ay may isang ahensiya na ang tanging mandato ay tumutok sa kapakanan ng OFWs at ito ang Department of OFWs.
Ipinaliwanag ni Pimentel na ipaubaya sa Department of Labor and Employment ( DOLE) ang pamamahala sa local employment at ang Department of OFWs ang bahala sa overseas employment para matutukan ang proteksiyon ng mga OFW.
Magugunita na naghain si Pimentel ng Senate Bill 1445 noong 10 Mayo 2017 na naglalayonh magbuo ng isang departamento na tututok para sa kapakanan ng OFWs.
(CYNTHIA MARTIN)