DATI kapag eleksiyon, maraming happy at nagsasaya kasi parang piesta.
Pero ngayon ang mga taga-Malabon dumaraing at matindi ang hinaing lalo na ang mga tumatanggap ng unconditional cash transfer at senior citizen social pension.
Imbes kasing masaya ang eleksiyon sa kanila, naluungkot at naiinis sila. Masyado raw silang nagagamit sa politika lalo na ang kanilang mga benepisyo?
Dati raw kasi, sa isang open ampitheater ginagawa ang pamamahagi ng UCT at senior citizen social pension pero nitong November 2018, ipinalipat umano ni vice mayor ang pamamahagi ng nasabing mga benepisyo.
Nagulat nga raw ang mga benepisaryo ng UCT at ang mga senior citizen dahil biglang nagparamdam si Vice Mayor Jeannie Sandoval sa kanila na dati raw ay hindi.
Bigla raw ipinalipat sa Tinajeros covered court ang pmamahagi ng UCT at social pension ng mga senior citizen.
Aba ‘e parang sardinas na pinagsiksikan ang libo-libong matatanda sa court.
Ayon sa reklamo, maraming nahilo, nahimatay at tumaas ang blood pressure dahil sa tindi ng init.
Aba, totoo ba ‘yan Madam Jeannie?!
“Aba’y kaawa-awa talaga ang mga senior citizen dahil ‘yung iba ay halos hindi na makalakad, hirap nang magparoo’t parito. Karamihan pa nga ay maysakit na pero pinahirapan pa.”
‘Yan ang hinaing na ipinarating sa atin nang hanggang ngayon ay naghihimutok pa rin na senior citizens.
Hay naku!
Ano ba ang Implementing Rules & Regula¬tions (IRR) sa pagpapatupad ng UCT at social pension? Sino ba talaga ang dapat magpatupad ng mga programang gaya nito?
Nagtataka umano ang mga senior citizen kung bakit pumayag si Regional Director Vincent Leyson (DSWD) sa ganoong set-up.
Bakit nga ba, DSWD RD Vincent Leyson?
By the way, totoo bang kandidatong mayor sa eleksiyonsa 13 Mayo ang dating vice mayor?!
Hmmmm… I smell something fishy here, ha.
Bakit Madam Jeannie? Wala ba kayong sariling proyekto?
Bakit hindi ‘yung proyekto ninyo ang isulong ninyo?!
Paging OIC DSWD NCR Maria Rosario Cuaresma!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap