KUNG mayroon daw isang dapat parangalan ang Bureau of Immigration (BI) pagdating sa kolek-tong ‘este koleksiyon, ito raw ang sangay ng BI field office sa Las Piñas.
Mula raw kasi nang naitatag ito noong nakaraang taon lang ay naging panglima sa laki ng kanilang kolek-tong ‘este koleksiyon pagdating sa SWP or Special Working Permit.
Bravo! Palakpakan!
Isipin na lang kung gaano kalayo at katrapik ang lugar ng Las Piñas at nagagawa pang puntahan ng mga kliyente na galing sa ibang lugar sa Metro Manila, Batangas at Laguna gayong nandiyan naman ang BI Main Office na mas maginhawa ang pagpoproseso ng SWP.
Anong formula mayroon sa BI Las Piñas field office at dinudumog ng mga dayuhan para sa kanilang mga dokumento?!
O ‘di kaya ang BI Sta. Rosa o ang BI SM Aura na naging masigasig ang dating bossing nila roon na si DON ‘este Atty. Maminta?
Nagrereklamo na raw ang BI Sta Rosa at BI Batangas dahil tila nakopo raw ng BI Las Piñas ang mga dati nilang kliyente roon?!
Sabagay anong magagawa kung talagang mabilis ang pitsa ‘este transaksiyon doon?
Mabilis as in kasing bilis ng alagang “Jack Russel” ganern?!
Pero teka, ‘di ba iniligwak na ni BI Comm. Morente ang mga tropapips ng sindikatong ‘PAMINTA’ na muntik nang nagpahamak sa kanya sa bureau?
Bakit tila may naiwan pa riyan sa BI Las Piñas?
Bakit nga ba?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap