NAGBUNGA rin sa wakas ang walang tigil na paglilingkod ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa kanyang mga pinupuntahan na nangangailangan talaga ng tulong.
Ang kanyang pagpupursigi at malasakit ay tuluyan nang nagbunga ngayong sabi nga ‘e pasok na siya sa survey.
Kahit nga naba-bash pa siya dahil inire-refer niya sa Malasakit Center ang mga kababayan na humihingi ng tulong sa kanya kapag mayroong pangangailangang medikal.
Tingnan n’yo naman, kapag may mga nasunugan, mabilis pa sa alas-kuwatro kung magdala ng tulong. Hindi gaya nang dati na panay ‘selfie’ lang sila ni Ipe. Ngayon mayroon na talagang konkretong layunin ang kanyang paglapit sa tao.
Sana lang ay huwag siyang magbago sakaling makapasok na siya sa senado.
Sana nga ay siya ang ginaya ni Ex-Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Hindi ‘yung nag-showbiz at nag-Pacquiao, ‘yan nag-flop pa tuloy — nilangaw — sabi nga ng bashers sa social media.
Araykupo!
Back to SAP Bong Go, iba ang kanyang diskarte. Tuloy-tuloy ang kanyang magandang performance. Kaya naman marami ang naniniwala na hindi siya magbabago.
Sabi nga ng mga kababayan nila ni Pangulong Digong…
Padayon…Bong GO!
HUWAG KALIMUTAN
ANG ‘NANANAGASANG’
TRAIN LAW
SA KABUHAYAN
NG MALILIIT
NA FILIPINO
PIRMIS ang katuwiran at pagtatanggol pa ni reelectionist senator Sonny Angara sa iniakda niyang TRAIN Law na malaking pahirap ngayon sa mas maraming mamamayan.
Ang katuwiran niya, tinanggal daw ang buwis ang mga lower at middle income earners sa ilalim ng TRAIN Law.
Sabihin na nating ganoon nga. E ‘yung idinagdag naman nilang buwis sa basic services at mga pangunahing bilihin? Lalo na sa petroleum products?!
Hindi ba’t ang mga end users na maliliit na tao ang higit na apektado niyan?!
Kumbaga quits lang!
Pero mas agrabyado pa rin ‘yung maliliit na mamamayan.
Kaya sa eleksiyon sa Mayo, huwag po ninyong kalilimutan ang mga nagpahirap sa atin at huwag na huwag kayong magkakamaling maisulat sa balota ang kanilang mga pangalan.
Alam na!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap