ANO ba itong reklamong nakarating sa inyong ligkod na ‘yung pagtulong ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang constituents ay nababahiran ngayon nang panlalamang sa kapwa o mga iregularidad.
Ayon sa ating source, every Friday ay nagpupuntahan sa tanggapan ni SGMA ang mga humihingi ng tulong lalo sa financial, medical at iba pang uri ng assistance.
Pero marami ang desmayado sa mga nagtutungo roon. Suspetsa kasi nila, hindi alam ni SGMA kung ano talaga ang nangyayari.
Dahil tuwing Biyernes lang at 8am to 5pm ang oras ng paghingi ng tulong, mayroong mga naiiwan na hindi natutugunan. Karamihan sa kanila mga taga-probinsiya.
‘Yung mga hindi umabot kapag walang ibang mapupuntahan, nagtitiyagang mag-stay doon kasi wala silang pambayad sa pasahe pauwi sa kanilang probinsiya.
‘Yung iba naman pinapipirma umano sa voucher na blanko. Napipilitan naman silang pumirma kasi nga ang habol nila makasama sila sa mapagkakalooban ng assistance sa araw na iyon.
Pero isang constituent umano ang nakapansin na ang pinirmahan niya ay P7,000 pero ang ibinigay sa kanya ay P5,000 lang.
Noong sitahin niya, ang sagot, “Ay sorry, nagkamali lang.”
Wattafak!
E paano kung hindi napansin?! E yung mga nakapansin pero hindi nakapagsalita?!
Hindi pa puwedeng tumutulong ang tanggapan ni SGMA pero hindi nagmumukhang timawa ang mga tutulungan?!
Huling tanong lang po: alam kaya ni SGMA na marami siyang constituents na nagugutom at namamantot na dahil pinaghihintay ng mga staff niya?!
Hindi ba puwedeng bilisan ang proseso para naman makauwi pa ang mga humihingi ng tulong?!
Sana naman, maging totoo sa pagtulong ang mga staff ni SGMA.
Please lang po…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap