Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

My heart goes to General Bato

NAKIKISIMPATIYA ang inyong lingkod sa nangyari sa ‘biopic’ ni dating PNP chief, Gen. Richard “Bato” dela Rosa na hindi lang nilangaw kundi talagang hindi pinansin at mukhang ngayon lang mapag-uusapan ng publiko.

Parang tokhang daw, kung kailan ‘dedo’ na saka napag-uusapan. In short, parang na-‘Batokhang’ ang movie ni Ex-Gen.

Kumbaga kung kailan sumemplang na, saka pa lang pag-uusapan. Mukhang nasira rin ang magic ni Binoe sa pelikulang ito ni Gen. Bato.

Tsk tsk tsk…

E kasi naman, sino ba ang nag-finance ng pelikulang ‘yan? Sana nilubos-lubos na nila. Hindi man lang nila naisip na magpa-block screening o kaya ay namigay sila ng passes para naman pumatok ang biopic.

Kaya ang pinag-uusapan talaga ngayon, ‘flopsinang’ tunay ang movie tungkol sa buhay ni Bato.

Mas maigi pa siguro kung ginawa na lang ‘comedy’ ni Ex-Gen. Bato ang pelikula tungkol sa buhay niya at kinuha niyang artista ang kahawig niyang si Jelson Bay, e baka sakaling napag-usapan pa.

E sa totoo lang po, Ex-Gen. Bato, kapag nari­­rinig ng tao ang pangalan ninyo, ang bumabalik sa alaala nila ang walang katapusang ‘tokhangan’ na lumalakas na naman ngayon.

Dahil diyan, nakikisimpatiya tayo kay Ex-Gen. Bato. Kaya naman, bukod kay Sir Francis Tolentino, kasama ka nang makakukuha ng isang boto mula sa inyong lingkod.

Hinatyin na lang natin kung ano ang ‘maitu­tulong’ ng nilangaw na ‘biopic’ sa kandidatura  ni Ex. Gen.

Abangan!

TULONG NI SGMA
‘KINAKATKONG’
NGA BA NG KANYANG 
CONGRESSIONAL
STAFF?!

ANO ba itong reklamong nakarating sa inyong ligkod na ‘yung pagtulong ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang constituents ay nababahiran ngayon nang panlalamang sa kapwa o mga iregularidad.

Ayon sa  ating source, every Friday ay nagpu­puntahan sa tanggapan ni SGMA ang mga humihingi ng tulong lalo sa financial, medical at iba pang uri ng assistance.

Pero marami ang desmayado sa mga nagtu­tungo roon. Suspetsa kasi nila, hindi alam ni SGMA kung ano talaga ang nangyayari.

Dahil tuwing Biyernes lang at 8am to 5pm ang oras ng paghingi ng tulong, mayroong mga naiiwan na hindi natutugunan. Karamihan sa kanila mga taga-probinsiya.

‘Yung mga hindi umabot kapag walang ibang mapupuntahan, nagtitiyagang mag-stay doon kasi wala silang pambayad sa pasahe pauwi sa  kanilang probinsiya.

‘Yung iba naman pinapipirma umano sa voucher na blanko. Napipilitan naman silang pumirma kasi nga ang habol nila makasama sila sa mapagkakalooban ng assistance sa araw na iyon.

Pero isang constituent umano ang nakapansin na ang pinirmahan niya ay P7,000 pero ang ibinigay sa kanya ay P5,000 lang.

Noong sitahin niya, ang sagot, “Ay sorry, nagkamali lang.”

Wattafak!

E paano kung hindi napansin?! E yung mga nakapansin pero hindi nakapagsalita?!

Hindi pa puwedeng tumutulong ang tangga­pan ni SGMA pero hindi nagmumukhang tima­wa ang mga tutulungan?!

Huling tanong lang po: alam kaya ni SGMA na marami siyang constituents na nagugutom at namamantot na dahil pinaghihintay ng mga staff niya?!

Hindi ba puwedeng bilisan ang proseso para naman makauwi pa ang mga humihingi ng tulong?!

Sana naman, maging totoo sa pagtulong ang mga staff ni SGMA.

Please lang po…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *