Monday , April 28 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Heroes’ Lounge para sa mga sundalo’t pulis bukas na sa 24 airports

ISA tayo sa mga pabor at natuwa sa ginawa ng Department of Tran­spor­tation (DOTr) na paglalagay ng Heroes’ lounge para sa mga active at retired soldiers and policemen at sa kanilang immediate family sa 24 airports sa bansa kabilang na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sana sa mga susunod na panahon, hindi lamang sa mga airport kundi maging sa mga pier at bus stations dahil hindi naman lahat ng sundalo o pulis ay kayang sumakay ng eroplano.

Alam po ba ninyo sa Estados Unidos, napakataas ng paggalang na iginagawad ng mga mamamayang Amerikano sa kanilang mga sundalo.

Mayroon silang military lounge sa bawat airport at doon ay inaasikaso silang mabuti maging sa pagkain.

Kahit saang tindahan, shop, groceries at department store ay mayroong nakalaang discount para sa kanila — ID lang nila ang katapat.

Lalo na sa kanilang commissary, talagang napakamura ng bilihin, para silang nasa Duty Free.

Lahat ng taong makasalubong nila ay binabati sila at nagpapakita at nagpaparamdam ng mataas na pagpupugay.

Kahit hindi opisyal, kahit pangkaraniwang sundalo ay mataas ang paggalang ng mga mama­mayan sa Estados Unidos.

Alam kasi nila na itataya ng mga sundalong Amerikano ang kanilang buhay alang-alang sa kanilang bayan at mamamayan.

Dito sa ating bansa, sana ay maging legacy ng Duterte administration ang batas na magbibigay nang mataas na pagpapahalaga sa ating mga sundalo.

Ang problema kasi kapag hindi isinabatas ‘yan, after Duterte administration ay manga­nganib na tanggalin sa NAIA ang military and police lounge.

Pero kung magiging batas ‘yan, ibig sabihin mapaglalaanan talaga ng budget sa Appropria­tions Act at hindi basta mababalewala.

Panahon na siguro para maimulat natin sa ating mga kabataan na ang ating mga sundalo at pulis ay hindi kaaway kundi tagapagtanggol ng mamamayan.

At sana ay ganoon din ang maipatimo sa isip ng bawat sundalo at  pulis — dapat na sila ay ka­­kam­­pi ng bayan — at hindi mapanakot, mapang-api at nagiging ‘goons’ ng mga gahaman.

For this one, kudos Secretary Art Tugade!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *