Sunday , December 22 2024

Bahay Pag-asa ng Malabon gawing ehemplo

NGAYON ay talaga namang mainit ang talakayan sa pagbaba ng edad ng mga menor-de-edad na nasasangkot sa mga krimen dahil sa amyendang pinag-uusapan sa kongreso.

Sa amended Juvenile Justice and Welfare Act of 2012, ang mga batang may pagkakasala na edad 12 hanggang 15 anyos ay kailangan dalhin sa “Bahay Pag-asa” sa pamumuno ng mga LGU.

Sa panukalang nakahain ngayon, ang edad 12 anyos ay hindi na dadalhin sa Bahay Pag-asa kundi deretso na sa piitan. Maraming umaalma dito. May buti kayang maidudulot ang pagsadala sa kulungan ng mga batang may murang edad na nagkasala?

Pero iba ang sistemang nakita natin sa Malabon. Nakausap natin si Ms. Patria Agcaoili, head ng city Social Work and Development Department ng naturang lungsod matapos maging panauhin sa nagdaang pagdinig sa Senado noong isang linggo.

Bilang tagapangasiwa ng Bahay Pag-asa, naipaliwanag sa atin na talagang seryoso ang pamamahala nila rito dahil naniniwala sila na malaki ang magagawa ng paggabay at pagmumulat nang tama sa mga kabataang naliligaw ng landas. Sa murang edad nila, tamang kalinga at gabay sa tamang direksiyon ang kailangan nila higit sa lahat.

Malaki ang pasasalamat natin kay Mayor Len Len Oreta sa sistemang ito.

Sa ngayon ay may 369 menor-de-edad na ang natulungan ng center na ito. Mula noong 2016 at talaga namang kompleto ang programa. Nitong nakaraan ay nanalo pa sa isang kompetisyon sa ibang bansa ang mga youth dito dahil sa kanilang after-care sports program na ‘Muay Thai’ na sila rin ang nagte-training sa mga kabataan.

Bukod sa sports and recreation, may ilan pang gawain na bahagi ng programa sa nasabing center, kabilang ang psychiatric services, psycho-social intervention, individual and group counselling, values formation at alternative learning systems.

Libre rin ang pagkain, pananamit, personal hygiene at medical and dental assistance para sa mga residente sa Bahay Pag-asa.

Mababatid na dalawang beses din nakopo ang “Seal of Good Local Governance” ng bayan ng Malabon noong 2017 at 2018 dahil na rin sa pagpapatupad ng mga programang kagaya nito.

Mabigat ang paniniwala ng Malabon na dapat bigyan ng pagkakataong magbago ang mga batang naliligaw ng landas. Kailangan ng mga bata ay kanlungan hindi piitan.

Sana ay maging huwaran din ito ng iba pang LGUs.


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *