Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin Padilla kinarir ang pagganap sa buhay ni Gen. Bato Dela Rosa (“Ito na ang inaantay ninyong aksiyon!”)

MATAPOS gumanap noon sa ilang true-to-life story films, balik-aksiyon si Robin Padilla para pagbidahan ang “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story” na mapapanood ng kanyang mga taga­hanga sa January 30.

Sa ginanap na presscon kahapon sa 38 Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde, masayang humarap sa entertainment press at bloggers si Binoe kasama ang mga co-actor.

Nang tanungin kung ano ang mapapanood sa bagong movie niya, na istorya nga ni Bato dela Rosa, sinabi niyang:

“Hindi lang puno ng action ang buhay ni Gen. Bato, sobra din madrama at may kahalong comedy. Ito na rin ang hinihintay ninyong aksiyon,” pagbibida pa ng action star na kinarir ang kanyang role at talagang nagpakalbo para mas maging makatotohanan ang pagganap.

Si Beauty Gonzales ang gaganap na wife ni Binoe sa movie na wala sa presscon dahil may naunang committment at si Efren Reyes, Jr., naman ang magpo-portray ng role ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama rin sa cast sina Ricky Davao, Gina Alajar, Kiko Estrada, Railey Santiago, Yssa Alvarez, Polo Ravales, at marami pang iba. Trailer pa lang ng movie ay marami na ang nagandahan lalo ang maaaksiyong eksena ni Robin na buong tapang na nakikipagbarilan sa mga rebelde, drug addict, at mga pusher.

May kilig-kiligan scene rin sila ni Beauty na cute ang dating ng Visaya lines.

Samantala, hindi pa rin nagbabago si Binoe sa kanyang pagiging galante at sa last shooting day nila ay nagpakain siya ng bonggang-bongga sa staff and crew at unlimited ‘yung food dahil food cart ang ipinakontak ng actor sa misis na si Mariel Rodriguez para mag-cater sa set ng “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story.”

Si Direk Adolf ang director ng pelikula at produced ito ng ALV Films ni Arnold Vegafria at ng Benchingko Films at ng Regal Entertainment, Inc., na distributor ng movie.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …