Sunday , December 22 2024

May prankisa walang operasyon anyare Mislatel?

PAANO nga namang hindi gigisahin sa Senado ang President and CEO ng Mindanao Islamic Telephone Company (Mislatel) Inc., na si Nicanor Escalante, e saan ka nga namang nakakita na matagal nang nabigyan ng prankisa pero wala pa rin operations?!

Pagkatapos biglang magiging bahagi ng 3rd telco?!

Wattafak!

Ayon sa mga eksperto sa batas, klarong-klaro ang paglabag ng Mislatel. At ayon mismo kay Senator Franklin Drilon, katumbas na umano ‘yan ng revocation o pagpapawalang-bisa ng kanilang prankisa na iginawad ng Kongreso.

Sa pagdinig lumabas na may naging paglabag ang kompanya nina Escalante sa regulasyon ng National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa prankisa.

Kabilang nga sa sinasabing paglabag ang kawalan ng operasyon ng Mislatel simula nang makuha ang prankisa noong 1998 at ang kawalan ng congressional approval sa paglilipat ng kontrol ng kompanya.

Aba, tiradang buy and sell!

E vital industry po ang komunikasyon, kaya hindi puwedeng i-buy and sell nang hindi aprobado ng Kongreso.

Ang siste, patawa-tawa lang daw si Escalante kaya hayun pinagsabihan ni Drilon na seryoso ang usapin sa senado at huwag nang-iinsulto habang nagsasalita ang senador.

Sinisi ni Escalante ang peace and order sa Mindanao kaya hindi sila nakapag-rollout ng operations kaya ang gusto nila ngayon lumipat sa ibang area pero binokya ni Drilon.

Heto pa, three years ago pala nang mailipat ang kontrol ng kompanya pero hindi pa rin kumuha ng congressional approval.

At ang paalala ni Senator Drilon, ang prankisa ng Mislatel ay pribilehiyo lamang at kapag may paglabag maituturing na itong revoked.

Nadamay tuloy si Mr. Dennis Uy ng Udenna at nabulatlat ni Senator Sonny Trillanes na siya ay may malaking campaign contribution sa kandidatura ni Presidente Digong. Eroplano rin niya ang ginamit sa pagparoo’t parito ng mga trusted men ni Tatay Digs sa Davao.

Mga suki, abangan natin ang mga susunod na pagdinig sa Senate Committee on Public Service under the chairmanship of Senator Grace Poe.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *