Nasaksihan namin noong Tuesday, ang pagtanggap ng award ni Miss Universe International 2018 Faye Tangonan sa Forbes Best Dress List ng Lizaso House of Style na ginanap sa Main Lounge ng Manila Polo Club sa Makati.
In all fairness kahit petite ay pretty at sexy pala si Ms. Faye na nag-iilaw ang ganda sa suot na pabulosang gown na akma na maging isa sa Alab ng Puso awardee para sa “Ambassador of Style 2019.”
Isa sa napansin ko sa nasabing event, pawang rich and famous ang nasa loob ng venue at isa sa naroon ang dating actress na ngayon ay kilalang TV personality na si Ms. Marissa del Mar.
Going back to Ms. Faye, ang galing niyang rumampa nang ipakilala silang mga awardee sa stage.
Isa pa sa ikahahanga sa nasabing beauty title holder ay very articulate at may career din sa recording.
Yes, tulad ng kaibigan niyang actor-singer-composer na viral ang single na PAKO (Pangarap Ko) na si Lester Paul Recierdo na ipinag-produce niya ng CD lite album na pawang sariling compositions ang napapaloob sa album ay magre-release rin ng kanyang Ilocano album si Ms. Faye. Interesado siya na magawan ng kanta ng ating hit maker na si Vhenee Saturno.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma